Congressman, literal na bumaliktad sa kanilang virtual hearing

Congressman, literal na bumaliktad sa kanilang virtual hearing

- Viral ngayon ang video ng isang congressman sa literal na nakabaliktad sa kanilang virtual hearing

- Nagulat ang kanyang mga kapulong nang makitang nakabaliktad ang kanyang ulo sa screen habang tinatalakay ang isang seryosong usapin

- Nang sitahin ng isa sa kanyang mga kausap, sinabi nitong hindi niya alam ang nangyari at kung paano ito maibabalik

- Nang maayos ang kanyang screen, nagbiro ang isa sa kanilang kausap at sinabing buti at hindi pusa ang filter ng kongresista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang kongresistang si Tom Emmer sa Amerika dahil sa "bumaliktad" ito sa kanilang virtual meeting.

Nalaman ng KAMI na literal na nakabaliktad ang mukha ni Emmer habang nagsasalita ng seryosong usapin ukol sa COVID-19 sa kanilang lugar.

Subalit labis na nabahala na ang kanyang mga kasama kaya naman sinita na umano siya ng chairwoman nilang si Maxine Waters.

Read also

Gwen Zamora at basketball player na si DJ Semerad, ikinasal na sa France

Congressman, literal na bumaliktad sa kanilang virtual hearing
Photo: Screengrab from House Committee on Financial Services
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"I'm sorry Mr. Emmer, are you okay?" tanong ng chairwoman habang isa pa sa kanilang kapulong ang nagsabi na "You're upside down Tom!"

Agad namang sumagot ang kongresista at sinabing hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang kinalabasan sa screen. Sinubukan na rin umano niyang i-off ang laptop subalit pagbukas niya, nakabaliktad pa rin siya.

'Di nagtagal ay naayos na rin ni Mr. Emmer ang kanyang screen. Nagbiro naman ang isa sa kanyang kasama na "At least he's not a cat" tulad nang nangyari kamakailan sa isang abogado.

Binahagi ng The Guardian ang naturang video.

Matatandaang nito lamang isang linggo, isa namang abogado ang nasa online hearing din ang nag-viral dahil sa cat filter.

Hindi raw umano namalayan ng nasabing abogado ang filter at tinulungan na lamang siyang baguhin ito ng kanyang mga kasama.

Read also

Iba to! Kakaibang tema ng prenup shoot ng 1 couple, patok sa netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa madalas na online ang mga pagpupulong bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19, hindi maiiwasang may mga kakatuwang nagagaganap dahil sa hindi naman lahat ay bihasa sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaan sa kasagsagan ng pandemya noong 2020, isang Canadian Police din ang nag-viral dahil sa cat filter niya habang naka-livestream.

Sa panahon ngayon kung saan madalas na ang mga online meeting at livestream, magsilbing paalala ang mga pangyayaring ito na mag-ingat at maging handa bago humarap sa mga pagpupulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica