Website, naghahanap ng taong pwedeng bayaran ng $2K para lang matulog

Website, naghahanap ng taong pwedeng bayaran ng $2K para lang matulog

- Isang website ang naghahanap ng taong maaaring lumahok sa kanilang research tungkol sa pagtulog

- Ang maswerteng mapipili ay babayaran ng $2,000 para lamang matulog

- Ang candidate ay kailangan lang matulog sa limang magkakaibang lugar kabilang na ang isang gabi sa isang luxury 5-star resort

- Ang mga interesado ay kailangang magpasa ng headshot at 60-second introduction video hanggang March 31

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Literal na dream job ang inaalok ng isang website para sa sinumang nais na lumahok sa kanilang pag-aaral tungkol sa pagtulog.

Ang Sleepstandards.com ay handang magbayad ng $2,000 sa maswerteng mapipili para sa posisyong ito, batay na rin sa report ng PhilStar Life.

Ang candidate ay kailangan lang matulog sa limang magkakaibang lugar kabilang na ang isang gabi sa isang luxury 5-star resort.

Read also

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

Website, naghahanap ng taong pwedeng bayaran ng $2K para lang matulog
Photo: Getty Images
Source: Getty Images

"The chosen candidate will spend five nights sleeping in different environments set up by our team including one night in a luxury 5-star resort," ayon dito.

Pagkatapos ay kailangan lamang nitong gumawa ng report tungkol sa experience nila sa bawat lugar na kanilang tinulugan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kailangan din nitong i-rate mula 1 hanggang 10 ang mga ito upang mapag-aralan ng mga researchers.

Ang Sleepstandards.com ay isang website na nagbibigay ng impormasyon ukol sa mga sleep quality products at pag-aaral dito, base sa report ng CNN.

Ang mga interesado ay kailangang magpasa ng headshot at 60-second introduction video kung saan kailangan nilang sabihin kung bakit nila gusto ang trabahong ito.

Ang application ay tatagal hanggang March 31 ayon sa report ng FOX 5.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kristoffer Martin at dati nitong live-in partner, nagkasagutan sa social media

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isang lalaki naman ang kumita ng tumataginting na P800,000 matapos lang i-video ang sarili habang natutulog!

Umabot naman sa halos dalawang milyon ang Live video sa Facebook ng isang lalaki habang siya ay natutulog lang!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone