Dalawang mag-ina, nagpa-DNA test muli dahil 'di nila anak ang mga hawak na sanggol

Dalawang mag-ina, nagpa-DNA test muli dahil 'di nila anak ang mga hawak na sanggol

- Sa Part 4 ng Kapuso mo, Jessica Soho na may pamagat na 'Baby Switching' lumabas na ang DNA test na isinagawa sa sinasabing nakapalitan ng pamilya Sifiata

- Negatibo rin ang resulta ng DNA na isinagawa kay MargarethTraballo at sa sanggol na hawak nito

- Dahil sa parehong nag-negatibo ang DNA test ng magkabilang pamilya, magsasagawa muli ng isa pang DNA test sa pagpapalit nila ng sanggol

- Umaasa ang magkabilang pamilya na nagkapalitan nga lang sila upang hindi na rin sila mahirapan sa paghahanap ng kanilang mga tunay na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang pinakatutukan ng marami ang episode ng Kapuso mo, Jessica Soho (KMJS) na may pamagat na 'Baby Switching'.

Nitong Pebrero 21, part 4 na ng naturang episode at ibinahagi na rin ng programa ang resulta ng DNA test na isinagawa sa mag-inang sinasabing nakapalitan nina Aphril at Marvin Sifiata ng kanilang sanggol.

Read also

Dancer, 'di alam na nakipagrelasyon sa babaeng mayroon na palang asawa

Nalaman ng KAMI na dalawang linggo na rin ang nakalipas nang makumpirma nina Aphril at Marvin na hindi nga nila anak ang nasa kanilang pangangalaga.

Dalawang mag-ina, nagpa-DNA test muli dahil di nila mga anak ang sanggol na hawak
Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho
Source: Facebook

Dahil dito, nakiisa na rin ang pamilya Mulleno at nagpa-DNA test na rin upang malaman din kung anak nga ba nila ang naiuwing sanggol.

Bagaman at kumpiyansa silang anak na nga nila ang kanilang inaalagaan, lumabas pa rin na zero probability ang resulta ng DNA test kay Margareth Traballo at sa sanggol na nasa kanilang pangangalaga ng kabiyak na si Kim Jasper Mulleno.

Lalong tumaas ang kumpiyansa ni Aphril na anak nga nila ang napunta sa pamilya Mulleno.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit upang makumpirma ito, muling sumailalim ang dalawang pares ng mag-ina sa DNA test.

Nagkaroon na rin sila ng pagkakataong magkita at matingnan ang mga hawak nilang sanggol.

Read also

Bonggang prenup photoshoot ng magkasintahang nangangalakal, viral

Umaasa ang parehong pamilya na nagkapalit ng lang talaga sila ng mga anak na naiuwi upang hindi na rin sila mahirapan sa paghahanap kung nasaan na nga ba ang kanilang tunay na mga anak.

Samantala, sisiguraduhin din ng pamilya Sifiata at pamilya Mulleno na mananagot ang HVILL hospital sa kaguluhang nangyari lalo na at magpasa-hanggang ngayon ay wala oa rin daw umano itong inilalabas na pahayag ukol sa mga kaganapan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Hiling ng mga sumubaybay na netizens na agad nang mabigay ang mga sanggol sa kani-kanilang mga magulang upang hindi na magkaroon pa ng mas malaking problema kung ang mga ito ay magkaisip na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica