Viral na enforcers sa Malabon na pinahinto ang karo ng patay, ipina-Tulfo na
- Ipina-Tulfo ang dalawang traffic enforcers ng Malabon na nagpahinto sa karo ng patay para kunin ang lisensya ng driver nito at mabigyan ng tiket
- "Obstruction" ang umano'y violation ng driver ayon sa mga enforcers na nakunan ng video
- Katwiran nila, may mga kaanak ang namatay na naglalakad sa likod ng karo at ipinagbabawal ito dahil sa paglabag sa safety protocols
- Paliwanag ng abogado ng City administration ng Malabon, pinapayagan naman ang prusisyon ng patay subalit bawal ang maglakad sa mga makikipaglibing
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na video na kuha sa isang karo ng patay na pinahinto ng dalawang traffic enforcers sa Malabon City.
Nalaman ng KAMI na mula Navotas ang karo subalit nang dumaan ito sa may boundary ng Malabon City, doon na nagkaproblema ang prusisyon.
Sa video na kuha ni Emilio Cunanan, makikita na hiningi ang lisensya ng driver ng karo na si Juneto Peras at nabigyan pa ito ng tiket.
Obstruction ang nilagay na paglabag ng dalawang enforcer sa tiket ni Peras dahil sa may mga kamag-anak ang namatay na naglalakad sa likod ng karo.
Ipinagbabawal daw ito bilang isa sa mga safety protocols na ipinatutupad kontra COVID-19.
Subalit ayon kay Tulfo, binigyan na lang sana ng kaunting konsiderasyon bilang inihahatid na mismo sa huling hantungan ng mga kaanak ang mahal sa buhay nilang pumanaw na.
Nang makapanayam ni Tulfo si Atty. Voltaire Dela Cruz ng City administration ng Malabon, nilinaw nito na pinahihintulutan naman ang prusisyon sa paghahatid sa huling hantungan ng namatay ngunit sinasabihan nila ang mga maghahatid na sumakay sa sasakyan imbis na maglakad sa likod ng karo na kinagawian na ng mga Pilipino.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil dito, pinayuhan na lang ni Tulfo si Dela Cruz na pagsabihan ang mga enforcers na maging magalang at huwag namang sisiga-siga lalo na sa mga sitwasyong tulad nang nangyari na mayroong namatayan.
Ayon din kay Tulfo, hindi dapat tiniketan ang driver bagkus ang punerarya dapat ang sumagot nito.
Samantala, bilang tulong sa tsuper, sagot na ni Tulfo ang pambayad ng pangtubos nito ng kanyang tiket.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang doktora na dumulog sa kanyang programa dahil umano sa pamilyang nagsinungaling at mayroon palang COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh