Doktora, nagpa-Tulfo dahil sa pamilyang may COVID-19 ngunit di nagsabi ng totoo

Doktora, nagpa-Tulfo dahil sa pamilyang may COVID-19 ngunit di nagsabi ng totoo

- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang doktora na frontliner na agad na rumesponde sa pamilyang nais patingnan ang naghihingalo na umanong kaanak

- Nilinaw ng doktora na kung ito ay COVID-19 patient, hindi na siya ang dapat tawagin

- Nagpumilit ang pamilya sa tulong ng barangay kaya nagpunta ang doktora sa bahay ng pasyente

- Kalaunan, nalaman din niya sa kaanak nito na positibo pala sa COVID-19 ang pasyente at walo pa sa kanilang mga kaanak

- Kasalukuyan nang naka-quarantine din ang doktora na nagkaroon ng exposure sa COVID-19 patient dahil din umano sa kapabayaan ng barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mainit ang naging usapin sa programa ni Raffy Tulfo nang magsumbong sa Idol in Action ang frontliner na si Dr. Rinna Flores-Enconado.

Nalaman ng KAMI na labis na ikinabahala ng doktora ang umano'y hindi pagsasabi ng totoo ng isang pamilya sa Greater Lagro Quezon City na mayroon na palang kapamilya na positibo sa COVID-19.

Read also

Kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, humarap na sa korte

Kwento ng doktora kay Tulfo, nilinaw pa niya sa pamilya na kung ito ay COVID-19 patient, hindi na dapat siya ang tinatawag. May protocol ang barangay sa kung ano ang nararapat na gawin sa mga nagpopositibo sa virus.

Doktora, nagpa-Tulfo dahil sa pamilyang may 8 COVID patients na di nagsabi ng totoo
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Subalit mapilit ang pamilya dahil sa hindi na raw makahinga at nahihilo na ang senior citizen na kanilang kaanak. Mayroon din daw itong sakit sa puso kaya naman pinuntahan na ito ng doktora.

Inakala ni Dr. Enconado na "safe" ang pamilya gayung may mga bata roon maging sa tabi ng pasyente.

Ngunit, nang kausapin siya ng isa pang anak ng pasyente, doon niya napag-alaman na positibo sa COVID-19 ang sinadya ng doktora roon.

"Nagulat ako sir, as in nag-hysterical ako... May bata sa loob, hindi naka-mask, hindi niyo pinag-mask ang pasyente!" ang nasabi ng doktor.

Kalaunan, nalaman niyang walo pa ang kabuuang bilang ng miyembro ng pamilyang tinamaan na ng COVID--19 hindi lamang ang pasyente na kanyang natingnan.

Read also

Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, agad ding kinausap ni Tulfo ang Barangay captain ng nasabing lugar na si Chairman Leo Garra.

Hindi naiwasang makastigo ito ni Tulfo gayundin ang kagawad nitong si Ravy Buenafe na umano'y nagpabaya sa sitwasyon gayung alam na nilang mayroong nagpositibo na sa kanilang lugar subalit malaya pa rin umanong nakalalabas ang mga kaanak nito.

"Ikaw at si Chairman, dapat kayong mag-resign. Ipaparating namin ito sa IATF, sa mga kinauukulan, sa kataas-taasan, tingnan natin kung anong pwedeng mai-sunction sa inyo!" ang nasabi ni Tulfo.

Samantala, kasalukuyan nang nasa ikaanim na araw ng pagkaka-quarantine ang doktora at wala umanong nararamdaman na anong sintomas ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Pamilyang nakapalitan umano ng sanggol na itinampok sa KMJS, nagpa-DNA test na rin

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang batang may cancer na sa pagluwas pa sa Maynila para magpagamot at tinamaan pa ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: