Pamilyang nakatira sa gitna ng kalsada, natulungan ng mga anak ni Raffy Tulfo
- Natulungan nina Ralph at Maricel Tulfo ang isang pamilya na dalawang taon nang naninirahan sa gitna ng kalsada
- Inabot umano ng lockdown ang mag-anak at tuluyan nang hindi nakahanap ng trabaho ang ama
- Tanging pangangalakal ang kanilang ikinabubuhay para na rin itaguyod ang dalawa nilang anak
- Tinupad nina Ralph at Maricel ng hiling ng mag-anak na makauwi na lamang ang mag-anak sa Bicol at mas magiging maayos daw umano ang kanilang pamumuhay doon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natulungan ng mga anak ni Raffy Tulfo ang mag-asawang sina Maricel Macas at Chito Asis na naninirahan lamang sa gitna ng kalsada sa Fairview Quezon City.
Nalaman ng KAMI na madalas umanong makita ng anak ni Tulfo na si Ralph ang mag-asawa gayundin ang dalawang anak nito.
Kaya naman personal nilang pinuntahan kasama ng kanyang ate na si Maricel Tulfo ang mag-anak upang usisain ang kanilang kalagayan.
Doon napag-alaman nilang pangangalakal ang ikinabubuhay ng mag-anak. Nasa PHP200 hanggang PHP300 ang kanilang kinikita. Subalit wala naman silang matinong tirahan.
Dalawang taon na silang naninirahan sa gitna ng kalsada. Nitong nag-lockdown, nawalan pa ng trabaho ang mister kaya naman lalong naging mahirap ang kanilang kalagayan.
Dahil dito, hiling na lamang ng mag-asawa na makauwi sa kanilang probinsya sa Bicol.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Doon, mas maayos silang makakapag-hanapbuhay tulad ng pagtitinda ng isda.
Bago pauwiin ng magkapatid na Ralph at Maricel ang mag-anak, ipinamili muna nila ito ng damit, mga grocery at pinatuloy sa isang hotel upang maging komportable ang kanilang pagpapahinga.
Makalipas ang ilang araw ay inayos na ng staff ni Tulfo ang pag-uwi ng mag-anak sa Bicol.
Inihatid pa talaga sila roon ng staff ng RTIA upang masiguro na maayos na makakuwi ang mag-anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa paglalako dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Nagkaroon ito ng sariling food cart business mula kay Tulfo.
Gayundin ang isang batang nakaligtas nga sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito. Patuloy na sinusuportahan ni Tulfo ang gamutan ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh