South Korean actor na si Jung Il-woo, pinagluto ng Filipino food si Sandara Park

South Korean actor na si Jung Il-woo, pinagluto ng Filipino food si Sandara Park

- Ipinagluto ng South Korean actor na si Jung Il-woo si Sandara Park ng paborito nitong Filipino food

- Inaral umano ng aktor kung paano lutuin ang beef kaldereta at sinigang na paborito ng dating 2NE1 member

- Marami ang kinilig sa pagiging malapit ng dalawa ngunit nilinaw nilang magkaibigan lang talaga sila

- Ayon pa sa aktor, mahigit isang dekada na niyang kakilala at kaibigan si Sandara

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nagkwentuhan sina Sandara Park at ang malapit na kaibigan nito, ang South Korean actor na si Jung Il-woo habang pinagluluto ito si Sandara ng paborito niyang Filipino food.

Sa vlog ng aktor, ibinahagi niyang mahigit isang dekada na silang magkakilala ni Sandara. Kaya naman, ipagluluto niya umano ito ng paborito nitong pagkain.

“I’ll be cooking some Filipino foods for Dara. I’ve actually never been to the Philippines before. I’ve never been there, but I tried my best to search information on YouTube. I also looked everywhere up for the favorite Filipino menus of Dara,” aniya.

Read also

Love story ng delivery rider at anak ng kanyang suki, nag-viral

Photo from Sandara Park (@daraxxi)
South Korean actor na si Jung Il-woo, pinagluto ng Filipino food si Sandara Park
Source: Instagram

Beef kaldereta at seafood sinigang ang iniluto niya para kay Dara.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagbabahagi ni Sandara, sinigang ang pinakapaborito niyang Filipino food at ito umano ang lagi niyang kinakain.

Nang maluto na ang kaldereta at sinigang ay sabay nilang tinikman ang niluto ng aktor at pinag-usapan nila ang tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

Ever since I started YouTube, I feel so energized nowadays. I try to initiate something with passion. It also feels great to create something with my crew, who is like my family,” ani Il-woo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Read also

Vice Ganda, napa-react sa taong nang-iwan sa It's Showtime family

Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1.

Gayunpaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, nag-viral ang binahaging picture ni Sandara na kanyang hapunan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel