Kean Cipriano pinuri si Mimiyuuuh sa kabila ng mga bash sa rap nito

Kean Cipriano pinuri si Mimiyuuuh sa kabila ng mga bash sa rap nito

- Ibinahagi ni Kean Cipriano kung papaanong naging talent nila si Mimiyuuuh sa OC Records

- Nag-release ng unang track si Mimi, ang “DYWB (Drink Your Water B*tch)”, na sinulat pa niya mismo

- Batid ni Kean na may mga negatibong komento kay Mimi dahil daw sa hindi talaga ito rapper

- Pero pinuri ng singer-musician ang content creator dahil sa pagiging propesyunal nito habang binubuo ang kanyang kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinipensahan ni Kean Cipriano ang vlogger na si Mimiyuuuh mula sa mga nag-babash sa pagra-rap nito sa kanyang unang single.

Kean Cipriano pinuri si Mimiyuuuh sa kabila ng mga bash sa rap nito

Kean Cipriano (Photo credit: @kean)
Source: Instagram

Nitong ika-27 ng Enero, Miyerkules, ay nagkaroon ng media conference ang OC Records. Ito ang record label ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Nai-kuwento ni Kean kung paanong naging parte ng OC Records si Mimiyuuuh. Ayon sa singer, ang content creator ang isa sa mga pinakabagong dagdag sa kanilang mga talents. Sinabi niya na inalok niya ito na mag-release ng kanta noong nagkasama sila sa isang event.

Ina ni Dacera, kinukuwestiyon ang bagong medicolegal report ng PNP

Ayon kay Kean, nahihiya pa nga raw si Mimi na tanggapin ang offer niya dahil sa respeto nito sa OPM.

“Sabi niya, ‘Oo gusto ko pero nahihiya ako kasi nirerespeto ko yung OPM masyado. Parang ayoko naman na baka sabihin nila inaano ko.’
"Sabi ko, ‘Hindi. I think kaya mong mag-offer ng something na iba. Dahil nirerespeto mo siya, kaya mong gumawa ng ano, kickass track, parang ganun,” sabi ni Kean.

Hindi kalaunan ay napapayag nga ng singer-actor si Mimiyuuuh na mag-release ng first track nito. Ito ay ang “DYWB (Drink Your Water B*tch)” na sinulat mismo ng vlogger.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminado si Kean na may mga negatibong komento tungkol sa pagra-rap ni Mimi sa kanyang kanta. Pero imbes na malungkot ay pinuri pa niya ang kanyang artist.

“Alam mo naman mga tao ngayon basta lang may masabi. Pero kung malalaman nila yung naging proseso, more than pagiging artist yung ginawa niya kasi sobra niyang detalyado.”
Tim Yap ipinagtanggol ng mayor dahil sa kontribusyon sa Baguio
“Parang nung ginagawa kasi namin yung track, natuwa lang din ako kay Mimi kasi very meticulous siya. Ultimo yung mga numbers.
“Makikita niyo si Mimi very bubbly and funny pero dun sa process namin sobra niyang seryoso. Detalye talaga.
“And we were able to shoot a music video for the song na first music video na shinoot namin yun na during the pandemic.
“Sobra kaming proud sa track ni Mimi.” paglalahad ni Kean.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kean Cipriano ay isang singer, actor, musician, composer, at music director. Kilala din siya bilang vocalist ng Callalily. Kasal siya sa aktres na si Chynna Ortaleza, at may dalawa silang anak, sina Stellar at Salem.

Nitong nakaraang araw ay ibinahagi ni Chynna kung bakit siya proud sa anak na si Stellar. Sa isang post naman ng aktres sa social media ay ibinahagi rin niya kung bakit proud siya kay Kean bilang asawa at ama ng mga anak niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel