Ina ni Dacera, kinukuwestiyon ang bagong medicolegal report ng PNP

Ina ni Dacera, kinukuwestiyon ang bagong medicolegal report ng PNP

- Duda ang ina ni Christine na si Sharon Dacera sa inilabas ng bagong medicolegal mula sa PNP

- Kasama ang kanilang abogado, tahasang kinuwestiyon ng ina ni Christine ang report na nagsasabing 'natural causes' ang ikinamatay ng flight attendant

- Bukod pa rito, isinantabi na rin ng pulisya ang homicidé sa pagkamatay ni Christine

- Ayon pa sa kampo ni Dacera, may mga irregularities ang report ng PNP na makikita umano sa petsa kung kailan isinagawa ang report

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tahasang kinuwestiyon ng ina ni Christine na si Sharon Dacera ang pinakahuling medicolegal report na isinumite ng PNP nitong Enero 27.

Nalaman ng KAMI na ang medicolegal ay muling nagsasabi na natural causes ang ikinamatay ng flight attendant.

Sa ulat ni Emil Sumangil ng 24 Oras ngayong Enero 28, sinabi umano ni Dacera na walang raw umanong pahintulot si Police Lieutenant Colonel Joseph Palmero na siyang nagsagawa ng eksaminasyon sa ilang bahagi ng katawan ni Christine.

Read also

Mga akusado sa Dacera case, nag-react sa bagong medicolegal report

Ina ni Christine Dacera, kinukuwestiyon ang pinakahuling medicolegal report ng PNP
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

“With that report done by Palmero, we are questioning him. And at the same time, based doon sa sabi niya na mga bahagi ng katawan ng anak ko, wala po kaming binigay na authority sa kanya na kunin niya ‘yun,” giit ng ina ni Christine.

Paliwanag pa ni Sharon, Enero 11 umano ang petsa kung kailan isinagawa ang report gayung nailibing na si Christine noong Enero 10 sa General Santos City.

Subalit sinagot naman ito ng abogado ng mga akusado na si Atty. Mike Santiago

"Nasa possession na ng Crime Laboratory office ng Camp Crame itong mga organs na ito for histopathological examination."

"So it is incorrect to state na hindi mae-examine ang organ dahil inilipad na sa General Santos City ang body ni Ms. Dacera,” paliwanag ng abogado ng ilan sa mga respondents sa kaso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Read also

Kampo ni Dacera, giit na may krimen umano sa pagkamatay ni Christine

Sa nabing repost din nabanggit na isinantabi na ang homicidé gayung ruptured aortic anéurysm ang sinasabing ikinamatay ng dalaga at maaring matagal na ang chronic condition bago pa ito tuluyang pumanaw.

Isa sa sa kinikwestyon ng ina ni Dacera ang kakulangan sa paliwanag kung ano ang mga pasa na natagpuan sa katawan ni Christine.

Ayon din kay Sharon, wala umanong hypertension ang anak na siyang sinasabing dahilan kung bakit naputukan ito ng malaking ugat sa puso.

Narito ang kabuuan ng ulat mula sa GMA News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na PAL flight attendant na si Christine Angelica Dacera sa bathtub ng City Garden Grand Hotel sa Makati.

Ang mga kasama ni Christine na nagdiwang ng Bagong Taon sa nasabing hotel ang mga nadidiin ngayon sa kaso ng kanyang pagkamatay.

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

Katunayan, ilan pa sa kanila ay naaresto ngunit napakawalan din dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Hiling na lamang nilang matapos na ang kasong ito upang maibalik na rin kahit na paano sa normal ang kani-kanilang buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica