Tim Yap ipinagtanggol ng mayor dahil sa kontribusyon sa Baguio

Tim Yap ipinagtanggol ng mayor dahil sa kontribusyon sa Baguio

- Nagsalita si Baguio City Mayor Benjamin Magalong tungkol sa kinasasangkutang isyu ni Tim Yap

- Inamin ng alkalde na isa siya sa mga dumalo sa birthday party ng celebrity sa Baguio

- Sinabi niya na dumalo siya upang pasalamatan si Tim at grupo nito dahil sa nagawa para sa turismo ng kanilang lugar

- Dinepensahan niya ang columnist at tiniyak dito na iku-konsidera nila ang mga nagawa nito para sa nasasakupan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagtanggol si Tim Yap ng alkalde ng Baguio City na si Mayor Benjamin Magalong sa isyu nito tungkol sa kanyang birthday party dahil raw malaki ang nai-ambag nito sa turismo ng Baguio.

Tim Yap ipinagtanggol ng mayor dahil sa kontribusyon sa Baguio
Tim Yap (Photo credit: @officialtimyap)
Source: Instagram

Sa kanyang panayam sa Teleradyo, inamin ni Mayor Magalong na dumalo rin siya sa birthday party ni Tim. Sinabi niyang inimbita siya, kaya pumunta siya kasama ng kanyang asawa.

Read also

Ion Perez napi-pressure sa leading man role; Vice may tiwala sa kanya

Ipinaliwanag ng alkalde ang dahilan kung bakit siya dumalo sa pagdiriwang. Ayon sa kanya ay nais lamang sana niyang magpasalamat sa socialite dahil sa ginawa ng grupo nito para sa Baguio.

“Kasi ang nangyari po nu’n prior to that, si Mr. Tim Yap and his group nagpunta po du’n sa aming art exhibit, andami ho nilang nabiling paintings.
“Alam niyo naman ho ‘yung mga local artists namin naghihikaos. Ang dami ho nilang nabili…
“And then tinawagan po nila ako if I could attend that’s why pumunta po kami ng wife ko to thank them and at the same time, nakita ko po ‘yung posts nila promoting tourism sa Baguio and saying good words about ‘yung process namin sa Baguio and how they feel safe dito sa Baguio because we have all this process,” sabi ni Magalong.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Yassi Pressman naging emosyonal sa kanyang farewell speech sa 'AP'

Aminado naman si Mayor Magalong na may mga paglabag sa health protocols na naganap. Tiniyak niya na iniimbestigahan na ito ng kanilang legal office.

Pero dinepensahan niya si Tim at paliwanag niya ay naiintindihan niya ito.

“Nag-usap na ho kami kahapon. And sinabi ko sa kanya na I understand what happened. Everyone was just so engrossed, was so engaged kaya minsan nakakalimutan namin,”

Tiniyak niya rin sa columnist na iku-konsidera nila ang mga nagawa nitong tulong para sa kanilang siyudad.

“Sabi ko sa kanya, don’t worry about it kasi ang tulong na ginagawa mo sa siyudad ng Baguio promoting, you’ve been saying good words about Baguio, ‘yung tinulong mo sa aming mga artists — we’re considering all of this.” sabi ng alkalde.

Ang isyu na kinakasangkutan ni Tim ay tungkol sa pagdiriwang niya ng kaarawan sa Baguio na kini-kwestyun dahil sa mga nakitang paglabag sa mga protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Tim Yap ay isang radio at TV host, columnist, newspaper editor, at creative director.

Matatandaang kasama siya ni KC Concepcion ng sorpresahin ng aktres ang ina na si Sharon Cuneta sa Amanpulo, Palawan noong kaarawan ng Megastar. Kaya noong kaarawan naman niya nitong huli ay sinamahan din siya ni KC na mag-celebrate sa Baguio.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)