Yassi Pressman naging emosyonal sa kanyang farewell speech sa 'AP'

Yassi Pressman naging emosyonal sa kanyang farewell speech sa 'AP'

- Nakunan sa video ang huling taping ni Yassi Pressman para sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

- Pinangunahan ni Yassi ang pagdadasal bago ang taping at nag-farewell speech din ito

- Niyakap ang aktres ng kanyang mga kasama sa serye, at ipinagbunyi pa siya ng mga ito

- Sinundan ito ng kanyang pag-arangkada sa taping para sa mga huling sandali ni Alyana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal ang huling taping ni Yassi Pressman sa set ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at niyakap siya ng mga kasama, maging ni Coco Martin.

Yassi Pressman naging emosyonal sa kanyang farewell speech sa 'AP'
Yassi Pressman (Photo credit: @yassipressman)
Source: Instagram

Sa isang video sa YouTube ay nakunan ang ilan sa mga huling sandali ng pinaka-huling taping ni Yassi Pressman para sa pagganap niya sa papel ni Alyana Arevalo-Dalisay, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Pinangunahan ni Yassi ang opening prayer para sa taping, at sinundan ito ng kanyang emosyonal na farewell speech.

Read also

Yassi Pressman tuluyan nang namaalam sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

“Maraming salamat po sa mga staff. Dahil po sa sipag ninyo nagtagal tayo ng ganito.
“Maraming, maraming salamat kay CM [Coco Martin], syempre, sa pagkakataon na binibigay niya po sa ating lahat. Maraming salamat. Maraming salamat sa alaga.
“Sa lahat ng bumubuo nito, infront of the camera, behind the cameras…. thank you po dahil binigyan niyo kami ng trabaho.” sabi ni Yassi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pagkatapos ng kanyang madamdaming dasal at speech ay makikita si Yassi na niyayakap ng kanyang mga kasamahan, kasama si Coco.

Maririnig din na may sumigaw sa kanyang mga kasama ng “Mabuhay si Alyana!”, at sinagot ito ng iba ng “Mabuhay!”

Pagkatapos ay nagsimula na ngang mag-taping si Yassi para sa kanyang huling pagganap sa teleserye.

Si Alyana ay pumanaw matapos maipit sa engkwentro ng Task Force Agila at Black Ops kasama ni Cardo. Habang nakaligtas ang kanyang asawa ay tuluyan na ngang binawian ng buhay ang dating reporter.

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Yassi Pressman ay isang aktres, modelo, mananayaw, at singer. Una siyang napanood sa “Gulong ng Palad” noong 2006 bilang batang Luisa. Ngunit pinaka-nakilala ng madla si Yassi noong gumanap siyang Alyana sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang ka-tambal ni Coco Martin.

Ang huling sandali ni Alyana sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay naging trending sa Twitter. Inaasahang si Jane de Leon ang papalit sa kanya bilang leading lady ni Coco.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel