Yassi Pressman tuluyan nang namaalam sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Yassi Pressman tuluyan nang namaalam sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

- Nag-trending ang #FPJAP5HabangBuhay sa Twitter Philippines noong ika-25 ng Enero

- Tulad ng mga ispekulasyon ay tuluyan nang namaalam ang karakter ni Yassi Pressman na si Alyana sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

- Nasawi si Alyana at sugatan si Cardo dahil sa engkwentro sa gitna ng Task Force Agila at Black Ops

- Sa pamamagitan ng panaginip ay nagpaalam na nga si Alyana sa kanyang asawa na si Cardo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging trending si Yassi Pressman sa Twitter Philippines nang tuluyan nang pumanaw ang karakter niya na si Alyana sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Yassi Pressman tuluyan nang namaalam sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Yassi Pressman (Photo credit: @yassipressman)
Source: Instagram

Nagtala ng bagong kasaysayan ang nasabing Kapamilya series nitong ika-25 ng Enero. Ang #FPJAP5HabangBuhay ay nag top 2 sa trending topics sa Twitter matapos makumpirma ang pagkatanggal ni Yassi sa cast ng sikat na primetime series.

Read also

Yassi Pressman naging emosyonal sa kanyang farewell speech sa 'AP'

Pumalo rin sa 102k viewers ng nasabing palabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube, na siyang record-breaking rin para sa serye.

Noong Lunes, ika-25 ng Enero ay binawian na ng buhay sa Alyana matapos mabaril sa crossfire ng Task Force Aguila at Black Ops.

Inakala ng lahat ng dalawa sina Cardo, ang karakter na ginagampanan ni Coco Martin, at Alyana na mamamatay, ngunit nakompirma hindi kalaunan ang pamamaalam ni Alyana sa pamamagitan ng isang panaginip.

“Dahil sa 'yo, nagkaroon ako ng napakakulay na buhay.
“Ikaw 'yung kumumpleto ng buhay ko. Wala na akong ibang hihilingin pa,” sabi ni Alyana

Humingi pa si Alyana ng patawad kay Cardo bago ito tuluyang naglaho.

“Cardo, patawarin mo ako kung wala akong nagawa para iligtas kayo.
“Patawarin mo aka sa lahat ng mga pagkukulang ko.
“Patawarin mo sana ako kung nagkasala ako sa 'yo, kung naging marupok ako.
“Cardo, magpapaalam na ako,”

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinangako ni Alyana na habang buhay siyang mananatili sa puso ni Cardo kahit na wala na siya. At habang nakaka-antig ang tagpo nang pag-iyak ni Cardo noong mawala ang kanyang asawa sa kanyang harapan, si Lito, ang karakter ni Richard Gutierrez, naman ang naghihinagpis sa tuluyang pagpanaw ni Alyana sa totoong buhay.

Matatandaan na ang pagdating ni Lito at mga tauhan nito ay ang nagbigay daan upang mapaatras ang Black Ops sa enkwentro. Dinala ng Task Force Agila at grupo nina Lito sina Cardo at Alyana sa ibang lugar.

Ngunit kahit pa nagpadala ng doctor si Lito upang malunasan ang mag-asawa ay tuluyan pa ring binawian ng buhay si Alyana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Tao sa rm. 2207 ng Dacera case, nag-react sa sabi ni Valentine Rosales

Si Yassi Pressman ay isang aktres, modelo, mananayaw, at singer. Una siyang napanood sa “Gulong ng Palad” noong 2006 bilang batang Luisa. Ngunit pinaka-nakilala ng madla si Yassi noong gumanap siyang Alyana sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang ka-tambal ni Coco Martin.

Sa ngayon ay umuugong ang bali-balita na ang karakter ni Jane de Leon ang bagong papalit sa puso ni Cardo sa palabas. Ang nasabing aktres ay ang inaasahang gaganap bilang 'Darna', kapalit nina Angel Locsin at Liza Soberano na mga naunang pinili para sa role.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel