Ion Perez napi-pressure sa leading man role; Vice may tiwala sa kanya

Ion Perez napi-pressure sa leading man role; Vice may tiwala sa kanya

- Sumabak si Ion sa story conference ng “Kaka” at sinagot niya ang mga katanungan sa kanya

- Sinabi ni Ion na napi-pressure siya dahil ito ang unang pagkakataon na magiging leading man siya

- Tiniyak din niya na pag-aaralan niya ng mabuti ang kanyang karakter dahil malayo ito sa kanyang pagkatao sa totoong buhay

- Ayon sa aktor ay suportado naman daw siya ni Vice Ganda at may tiwala daw ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagtapat ni Ion Perez na pressured siya sa bagong proyekto na kanyang gagawin, kung saan ay leading man ang role niya, pero idinagdag niya na suportado naman siya ni Vice Ganda.

Ion Perez napi-pressure sa leading man role; Vice may tiwala sa kanya

Ion Perez (Photo credit: @perezion27_)
Source: Instagram

Sa story conference ng pelikulang “Kaka” noong Lunes, ika-25 ng Enero, ay hindi nakaiwas si Ion sa mga tanong tungkol sa kanyang paghahanda sa kanyang role at kung paano siya sinusuportahan ng karelasyon na si Vice.

Tao sa rm. 2207 ng Dacera case, nag-react sa sabi ni Valentine Rosales

Inamin ng baguhang aktor na nakakaramdam siya ng pressure sa kanyang role. Ito ang unang pagkakataon na gaganap siya bilang isang leading man.

"Unang-una, ito po‘yung unang pelikula na ako po yung leading man kaya mas doble po yung pressure na nararamdaman ko."

Isa pa daw sa nakakadagdag ng pressure sa kanya ay dahil mayaman ang karakter niya sa pelikula. Aminado si Ion na challenging ito para sa kanya dahil lumaki siya sa hirap. Pero tiniyak niya na pag-aaralan niya ng mabuti kung paano mapapag-tagumpayan ang kanyang pagganap sa role.

"Kilala ko yung sarili ko na parang ang layo sa karakter ko dito sa Kaka. Nape-pressure talaga ako.
"Hindi ko alam kung anong iisipin ko, gagawin ko, pero inaaral ko pa rin yung karakter ko.
"Actually, lagi ko siyang [script] binabasa kung paano gumalaw yung isang anak-mayaman. Nape-pressure ako.
"Alam niyo naman na laki ako sa hirap kaya nahihirapan ako kung paano kumilos na isang anak-mayaman kaya hindi ko alam kung paano.
Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ibinunyag din ni Ion na suportado siya ni Vice sa gagawing pelikula. Ayon sa kanya, tiwalang-tiwala din daw sa kanya ang komedyante.

"Ang sinabi lang niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, may tiwala ako sa 'yo. Tataya ako sa 'yo.'

Tungkol naman sa mga gagawin nilang love scene kasama ng leading lady na si Sunshine Guimary, sinabi ni Ion na naiilang siyang gawin ang mga ito.

"Actually, ako talaga yung naiilang sa parang may kiss. Kung talagang kailangan, sige. Bahala na si Superman!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ion Perez ay nakilala sa “It’s Showtime” lalo na nang aminin nila ni Vice Ganda ang tungkol sa kanilang relasyon.

Ang “Kaka” ang kauna-unahang proyekto ni Ion na nakuha niya na walang tulong o impluwensya ni Vice. Hindi lingid kay Ion ang mga panghuhusga ng ibang tao sa relasyon nila ng comedian-host. Pero ang pinakamasakit daw sa kanya ay iyong nadamay ang kanyang ina.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel