Netizen, naantig sa reply ng rider na nag-deliver sa kanila ng pizza

Netizen, naantig sa reply ng rider na nag-deliver sa kanila ng pizza

- Viral ang post ng isang netizen na nagulat sa naging reply sa kanya ng delivery rider

- "Speechless" umano ang netizen sa reply ng rider nang i-confirm niya ang kanyang order

- Saludo rin siya sa mga rider na ito na matiyagang nagha-hanapbuhay para sa kanilang pamilya

- Hindi raw niya akalain na ang ang pagdadala sa kanya ng pagkain ng mga rider na ito ay makapagdadala rin ng pagkain sa hapag ng kanilang mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naantig ang puso ng netizen na si Erick Francisco Cardona sa naging reply sa kanya sa ng isang rider na nag-deliver sa kanya ng pizza.

Netizen, naantig sa reply ng rider na nag-deliver sa kanila ng pizza
Netizen, naantig sa reply ng rider na nag-deliver sa kanila ng pizza
Source: UGC

Kwento ni Erick, nag-order siya ng pagkain bilang midnight snack nila ng kanyang kapatid at almusal na rin.

"Speechless" umano siya sa sagot ng rider sa kanya nang i-confirm niya ang order at magbigay ng ilang instructions kung saan siya mas madaling matatagpuan.

Read also

Babaeng inakalang namatay sa COVID, muling nagbalik sa piling ng asawa

"Okay po, salamat po sa pag-order, kami po ay may trabaho," ang reply sa kanya ng rider.

Hindi raw akalain ni Erick na sa kanyang pag-order at pagpapa-deliver ng pagkain ay magiging 'blessing' sa mga rider na ito.

"While they're bringing us our ordered food for our own convenience, they're enabling themselves to bring food to the table for their own families."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagbigay pugay din siya sa mga riders na ito sa kanilang kasipagan.

Maging ang iba pang mga netizens na nakakita sa viral post ay humanga sa rider. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kaya sana wala naman pong manloko sa mga riders, nagtatrabaho sila ng maayos"
"Nakakatuwa naman ang rider na ito, appreciative"
"Frontliners din sila kasi super expose sila sa labas, habang tayo, order-order lang. dapat lang silang pasalamatan"

Read also

Kuya Wil, nakatanggap ng text na ginamit pa ang mismong programa niya

"Mula nang mag-pandemic, isa sila sa mga dapat nating pasalamatan kasi nababawasan ang worries natin sa madalas na paglabas"
"Please give them tip too. Malaking bagay na sa kanila yan lalo na at may mga familes din ang mga yan"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong panahon ng pandemya, isa rin sa maituturing na frontliners ay ang mga delivery riders.

Para lamang masiguro ang ating kaligtasan sa COVID-19, sila ang buwis buhay na nananatili sa labas pa mai-deliver ang ating mga pangangailangan.

Kaya naman nakalulungkot isipin na sa kabila ng kanilang pagtatrabaho ng marangal, nagiging biktima pa sila ng panloloko ng ilan nating kababayang tila walang magawa sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica