OFW, tutok pa rin sa honor student na anak kahit magkalayo sila

OFW, tutok pa rin sa honor student na anak kahit magkalayo sila

- Tutok pa rin ang isang OFW sa Saudi sa pag-aaral ng kanyang anak na isang honor student

- Kahit kasi magkalayo sila ay sinisiguro niyang nagagampanan niya ang pagiging ina at isa na rito ang gabayan ang anak sa pag-aaral

- Laking pasalamat nila sa teknolohiya at mayroon na ngayong video call kaya mas madalas niyang nakakausap ang kanyang anak

- Sulit naman daw ang lahat ng sakripisyo niya lalo na at achiever ang kanyang anak na naglalakad na ngayon ng scholarship bilang paghahanda sa kanyang pagko-kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang sipag at tiyaga ng isang OFW sa Saudi na nakatutok pa rin sa pag-aaral ng kanyang anak na nasa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na kahit kasi magkalayo ang mag-ina, nagagawa pa rin ng OFW ang kanyang mga tungkulin sa anak lalo na sa pag-aaral nito.

Read also

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

Narito ang salaysay ng OFW na si Sam ng Saudi kung paano niya nagagawang matutukan ang kanyang anak sa pag-aaral na isa sa mga dahilan ng pagiging consistent honor student nito.

OFW, tutok pa rin sa honor student na anak kahit magkakalayo sila
Photo supplied by OFW Sam
Source: UGC

"As an OFW mom, it's so hard for me to manage my time teaching kids here then going out with a lot of tasks. Puntahan mo si ganito, kunin mo sa ganito yung ano and a lot more. Sabay magme-message anak mo; "mommy could you pleass help me sa ganito, lead time ko po. alam mo nman pressured ako ngayon." So eto si mommy kahit wala pang tulog videocall kay junakis and thru videocall solve din ng mga assignments ng mga bebe. Modules as well.

Hindi ko na iniisip ang oras. What important for me is ma-feel nila na kahit nasa malayo ako, full pledge ako na alalayan sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Hindi sayang ang pagod at effort ko. Yearly, umaakyat ako sa stage para sa kanila. At proudly I can say na kahit busy ako sa duty ko, di ko napabayaan ang pagiging mommy ko.

I share this 'di para magyabang but para i-enhance tayong mga magulang na kahit nasa malayo tayo, iparamdam natin sa kanila yung katatagan. Ipaunawa sa kanila yung hirap at sakripisyo natin para tulungan din nila sarili nila na umunlad at di danasin ang paglayo sa pamilya kumita lang."

OFW, tutok pa rin sa honor student na anak kahit magkakalayo sila
Photo supplied by OFW Sam
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga pangunahing dahilan ng mga kababayan nating nangingibang-bansa ay upang mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya nilang nasa Pilipinas. Kaya naman kahit mahirap na mawalay sa mga mahal sa buhay lalo na sa mga anak, tinitiis nila ito at gumagawa ng paraan upang magampanan pa rin nila ang pagiging magulang tulad ni Sam.

Read also

OFW, mala-pelikula ang mga napuntahang lugar dahil sa mabait na amo

Ang ilan, sinikap na makapagpundar ng sariling bahay at ari-arian upang sa pag-uwi nila sa bansa ay makita nila ang katas ng kanilang pinaghirapan. Ang ilan, namuhunan na rin agad sa negosyo para di na muling mawalay sa pamilya para maghanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica