Joe Biden idineklarang 'araw ng demokrasya' ang kanyang inagurasyon

Joe Biden idineklarang 'araw ng demokrasya' ang kanyang inagurasyon

- Nanumpa si Joe Biden bilang ika-46 na pangulo ng Estados Unidos noong ika-20 ng Enero

- Idineklara ni Biden na nanalo ang demokrasya sa Amerika noong araw na iyon dahil matagumpay na inagurasyon

- Kaagad na nagsimulang magtrabaho ang bagong pangulo, at nilagdaan niya kaagad ang labinlimang executive actions

- Pinawalang-bisa rin ni Biden ang ilan sa mga polisiya na ginawa ni dating Pangulong Donald Trump

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa wakas ay mapayapang nanumpa sa katungkulan si Joe Biden bilang ika-46 na presidente ng Estados Unidos noong ika-20 ng Enero, at idineklara niyang nanalo ang demokrasya pagkatapos ng kaguluhan sa U.S. Capitol dalawang linggo na ang nakakaraan.

Joe Biden idineklarang 'araw ng demokrasya' ang kanyang inagurasyon
U.S. President Joseph "Joe" Biden Jr. (Photo credit: Handout)
Source: Getty Images

Sa kanyang talumpati ay binanggit ni Biden kung paanong ang kagustuhan ng mamamayan ay napakinggan at nasunod sa kabila ng pagtutol ni Trump at mga tagasunod nito.

Read also

Harry Roque pinagbawalan palang mag-TikTok pagkabalik sa Palasyo

Matatandaang ipinagdidiinan ng kampo ni Trump na dinaya ni Biden ang kanyang pagka-panalo, kung kaya ay hindi ito payag na ibigay ang posisyon sa bagong halal na pangulo.

Sa kabila nito ay nagawa pa ring maging matagumpay at mapayapa ang naganap na inagurasyon ng bagong pangulo. Kung kaya sinabi ni Biden na nanalo ang demokrasya sa Amerika noong araw na iyon.

“We’ve learned again that democracy is precious and democracy is fragile. At this hour, my friends, democracy has prevailed,
“This is America’s day. This is democracy’s day.
“A day of history and hope, of renewal and resolve.” sinabi ni Biden.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa unang araw mismo ng bagong pangulo ay agad siyang nagsimulang magtrabaho. Sa White House Oval Office ay kaagad niyang nilagdaan ang labinlimang executive actions tungkol sa iba-ibang mga isyu na kinakaharap ng bansa, kasama na ang pandemic, racial inequality, at climate change.

Read also

Babae na-scam ng P7k nang bumili ng second-hand laptop sa online seller

Sinimulan na rin ni Biden na ipawalang-bisa ang ibang mga patakaran ni Trump. Kasama sa kanyang mga ginawa ay ang pagtanggal ng “Muslim travel ban”, pag-aasikaso sa pagsali ulit ng U.S. sa Paris climate accord, at ang pag-redirect ng pondo para sa pader sa Mexico border.

Kahit hindi sumipot si Trump sa seremonya ay dinaluhan naman ito ng mga dating pangulo na sina Bill Clinton, George W. Bush, at Barack Obama. Si Trump naman ay nanatili sa kanyang resort sa Florida habang naghihintay sa kanyang pangalawang impeachment trial.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Joseph "Joe" Biden Jr. ay ang bagong pangulo ng Estados Unidos. Dati siyang nagsilbi bilang bise president mula 2009 hanggang 2017. Naging senador rin siya mula 1973 hanggang 2009.

Bago ang inagurasyon ay matatandaan na sinulong ng mga taga-suporta ni Trump ang U.S. Capitol. Dahil pagsiklab ng kaguluhan ay pansamantalang na-ban ang dating pangulo sa mga higanteng social media upang pigilan siya sa pag-mobilisa ng kanyang mga taga-sunod.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)