U.S. Pres. Donald Trump pansamantalang naka-ban sa Facebook, Instagram

U.S. Pres. Donald Trump pansamantalang naka-ban sa Facebook, Instagram

- Pansamantalang naka-ban si Pres. Donald Trump sa Facebook at Instagram dahil sa paglabag nito sa kanilang mga patakaran

- Aabot ng hindi bababa sa dalawang linggo na naka-block si Trump mula sa mga nasabing social media

- Ayon kay Facebook CEO Mark Zuckerberg, ginagamit ni Trump ang social media upang guluhin ang mapayapang transisyon ng kapangyarihan kay Joe Biden

- Labindalawang oras naman na na-ban si Trump sa Twitter at pwede itong maging permanente kung patuloy na lalabag sa mga alituntunin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si U.S. President Donald Trump ay hindi muna makakagamit ng kanyang Facebook at Instagram accounts hanggang hindi pa siya tuluyang nakakababa mula sa pwesto.

U.S. Pres. Donald Trump pansamantalang naka-ban sa Facebook, Instagram
Donald Trump (Photo credit: Chip Somodevilla)
Source: Getty Images

Ang desisyon na ito ng Chief Executive Officer ng Facebook na si Mark Zuckerberg ay lumabas matapos mapag-desisyunan ng mga malalaking social media platforms na i-ban si Trump ng 24 oras.

Read also

4 na detainee sa QC, sapul sa CCTV ang pagtakas

Ito ay matapos niyang gamitin ang mga ito sa kanyang pagpapahayag na ‘di umano ay dinaya siya ni Joe Biden noong nakaraang eleksyon.

Ang nasabing paninindigan ni Trump ay ang itinuturong dahilan kung bakit nauwi sa riot ang pagtititipon ng kanyang mga taga-suporta sa U.S. Capitol Hill. Siya ang sinisisi ni Joe Biden sa mga pangyayari nitong nakaraang araw.

Ayon kay Zuckerberg, lumalabas na nais gamitin ni Trump ang kanyang natitirang mga araw sa posisyon upang guluhin ang mapayapa at legal na transisyon ng kapangyarihan administrasyong Biden. Ito ay base sa mga pangyayari nitong nagdaang araw.

"The shocking events of the last 24 hours clearly demonstrate that President Donald Trump intends to use his remaining time in office to undermine the peaceful and lawful transition of power to his elected successor, Joe Biden."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

Sinabi rin ni Zuckerberg na naniniwala sila na mapanganib kung pahihintulutan nila si Trump na patuloy na gamitin ang kanilang serbisyo. Kung kaya ay napag-desisyunan nila na pahabain pa ang panahon ng pagkaka-block ng presidente sa Facebook at Instagram.

Maaaring tumagal ang pagkaka-ban kay Trump sa hindi bababa sa dalawang linggo o hanggang matapos ang mapayapang transisyon sa pamahalaan.

Si Trump ay na-ban rin sa Twitter ng labindalawang oras. Naibalik lamang ang kanyang access sa account matapos niyang tanggalin ang mga tweets na hindi alinsunod sa kanilang patakaran.

Sinabi rin ng Twitter na maaaring permanenteng ma-ban si Trump kung uulitin pa niya ang mga nagawang paglabag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Donald Trump ay ang ika-45 at kasalukuyang papalabas na presidente ng United States of America.

Read also

Video ng madamdaming libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Kasalukuyang nagkakagulo ngayon sa Capitol Hill dahil sa pagsulong ng mga taga-sunod ni Trump na naniniwala na dinaya ni Joe Biden ang eleksyon. Sa ngayon ay apat na ang naitalang nasawi, at isa rito ang isang babae na nabaril at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Matatandaan na kahit ang Pilipinas ay sumubaybay sa nakaraang U.S. election. At dahil sa pagkapanalo ni Biden ay hinikayat ng mga Pinoy celebrities ang mga kabataan na magparehistro at bumoto rin sa halalan dito sa bansa ngayong 2022.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)

Hot: