4 na detainee sa QC, sapul sa CCTV ang pagtakas

4 na detainee sa QC, sapul sa CCTV ang pagtakas

- Sapul sa CCTV ang aktwal na pagtakas ng apat na naka-ditena sa Galas Police Station

- Nagpunta lamang umano sa banyo ang kanilang bantay nang makalusot sa sinirang rehas ang apat

- Nakita pa ang hacksaw blade na pinaniniwalaang ginamit na pangsira ng rehas ng mga pumuga

- Pinaghahanap pa rin ang apat na ito na malalakas ang loob at nagawang tumakas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang-kita sa kuha ng CCTV ang pagtakas ng apat na naka-detain sa Galas Police Station ng Quezon City Police District.

Nalaman ng KAMI na naganap ito bandang alas tres ng madaling araw ng Enero 7.

Isa-isa at dahan dahang lumusot ang apat na lalaki sa rehas na kanila umanong nasira.

4 na detainee sa QC, sapul sa CCTV ang pagtakas
Photo from PxHere
Source: UGC

Ayon sa ABS-CBN News, nagpunta lamang umano sa banyo ang bantay na jail officer nang matagumpay na nakatakas ang apat.

Read also

Ilan pang bahagi ng CCTV video sa hotel na tinuluyan ni Christine Dacera, nasa PNP na

Nakita pa umano ang ginamit na hacksaw blade na siyang ginamit upang masira ang rehas at makalusot ang mga nakapuga.

Patuloy pa rin ang pinaghahanap ng pulisya sa apat na mga nakatakas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, isa sa mga kontrobersyal na kaso ngayon ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Natagpuang walang malay si Dacera sa bath tub ng tinuluyang hotel kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon ng kanyang mga kaibigan.

Ilang CCTV footage na ang inilabas kung saan makikita ang flight attendant na makailang beses pang naglabas-masok sa isa pang kwarto bukod sa inookupahan nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos na mapalaya ang tatlong kaibigan ni Dacera, patuloy pa ring pinaghahanap ang walong mga nakasama nito upang mahingan ng kanilang pahayag ukol sa sinapit ng flight attendant.

Read also

Labi ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera, nasa Camp Crame na

Ang tatlong itinuring na suspek ay pinalaya rin noong Enero 6 dahil umano sa kakulangan ng ebidensya sa kanila umanong pagkakadawit sa kaso.

Kasalukuyan nang nakaburol sa General Santos City ang labi ni Dacera at hiniling ng kanyang pamilya na ibigay ang oras sa kanila upang pribado nilang makapiling ang yumaong mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica