Ilan pang bahagi ng CCTV video sa hotel na tinuluyan ni Christine Dacera, nasa PNP na

Ilan pang bahagi ng CCTV video sa hotel na tinuluyan ni Christine Dacera, nasa PNP na

- Nasa kamay na ng Philippine National Police ang ilan pang mahahalagang kuha sa hotel kung saan natagpuang wala nang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera

- Makikita sa CCTV na may kasamang lalaki si Dacera mula sa ibang kwarto

- Nahagip din sa video ang ginawa ng dalawa bago pumasok sa isa pang kwarto

- Bukod pa rito, ibang lalaki naman ang nakitang buhat si Dacera bago sila pumasok sa isang kwarto

- Ayon sa PNP, malaking bagay na ang mga footage na ito sa pag-usad ng kaso at sa paghahanap pa ng mga taong maaring makapagsabi ng dahilan ng pagkamatay ng flight attendant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hawak na ngayon ng Philippine National Police ang CCTV footage na mula sa City Garden Hotel kung saan natagpuang wala nang buhay ang flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Read also

Labi ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera, nasa Camp Crame na

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ng hotel ang ilang clips ng mga pinaniniwalaang huling sandali ni Dacera bago ito pumanaw.

Sa ulat ng GMA News, ipinakita ang naturang CCTV footage kung saan nahagip si Dacera na may kasamang lalaki bandang alas tres ng madaling araw noong Enero 1.

Ilan pang bahagi ng CCTV video sa hotel na tinuluyan ni Christine Dacera, nasa PNP na
Christine Angelica Dacera Photo from @xtinedacera
Source: Instagram

Makikita sa video na may kakaiba pang ginawa ang dalawa bago pumasok sa kwarto.

Sa isa pang kuha bandang alas kwatro ng madaling araw, makikita namang buhat si Christine ng ibang lalaki bago muli sila pumasok sa kwarto.

Ayon sa PNP, malaking bagay na sa kaso ang mga panibagong CCTV footage na ito na isinumite sa kanila upang matukoy ang mga taong dapat nilang hanapin upang magbigay pahayag sa nangyari sa flight attendant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Doon sa video, pwede natin makita roon kung sino ang mga taong kasma before she died," pahayag ni NCRPO chief P/BGEN. Vicente Danao.

Read also

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

"They could be invited sa ating opisina to shed light on what really happened on that day," dagdag pa niya.

Mas mainam ding mapanood nila ng buo ang CCTV video upang mas maging malinaw na ang iba pang naganap bago pumanaw si Dacera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nasa Camp Crame na ang mga labi ni Dacera para sa huling viewing ng mga kaibigan niyang nais siyang makita. Dadalhin ang labi ni Christine sa General Santos City.

Si Christine Dacera ay natagpuan sa bath tub ng tinuluyang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati City noong Enero 1.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel