Labi ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera, nasa Camp Crame na
- Nadala na sa Camp Crame ang mga labi ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera
- Makikitang agad na inalayan ng misa ang flight attendant na natagpuang wala nang buhay sa bath tub ng isang hotel sa Makati City
- Matapos na mabigyan ng pagkakataong makita ng mga malalapit nitong kaibigan ang labi ni Dacera ay dadalhin na ito sa General Santos City
- Patuloy ang imbestigasyon sa kaso lalo na at hindi pa umano nakukunan ng testimonya ang walo pang itinuturing na suspek sa pagkamatay ni Dacera
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nailagak na pansamantala ang mga labi ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera sa Camp Crame.
Nalaman ng KAMI na doon gaganapin ang final viewing kay Dacera ng mga kaibigan nito at mahal sa buhay na nais na makita siya sa huling pagkakataon.
Matapos gawin ang viewing, dadalhin na sa General Santos City ang mga labi ng flight attendant.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa video na ibinahagi ng Super Radyo DZBB 594khz, makikitang inalayan agad ng misa si Dacera. Naroon din ang kanyang ina na si Sharon Dacera.
Enero 1 nang matagpuang walang malay si Christine sa bath tub ng tinuluyan na roon sa City Garden Hotel sa Makati.
Nang makita siya ng mga kasama sa ganoong kalagayan ay agad na dinala ito sa clinic ng hotel subalit hindi pa rin ito nagigising.
Agad siyang isinugod sa Makati Medical Center kung saan siya naideklarang dead on arrival.
Tatlong sinasabing suspek ang agad na naditena sa Makati Police subalit pinalaya rin ngayong araw, Enero 6.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, isa umano sa mga itinuturong suspek ay anak ng veteran singer na si Claire Dela Fuente.
Naglabas na ito ng pahayag gayundin si Dela Fuente na naniniwalang malulusutan ng anak na si Gregorio De Guzman ang mga paratang na ito sa kanya.
Sa isang episode ng Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo ay nagpaunlak din ng panayam ang mag-ina lalo na at isa ang "hari ng public service" sa mga tumututok na ngayon sa kaso upang makamit ni Dacera ang hustisya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh