Geraldine Roman, nanawagan sa netizens ukol sa Christine Dacera case

Geraldine Roman, nanawagan sa netizens ukol sa Christine Dacera case

- Si Geraldine Roman ay nag-post ukol sa pagpanaw ng Philippine Airlines flight attendant na si Christine Dacera

- Sinabi niyang dapat mabigyan ng due procsess ang 11 na suspects na kinasuhan ng PNP ng diumano’y rape

- Ayon kay Roman, hindi muna dapat husgahan ang mga suspects habang hindi pa nalalaman ang lahat ng detalye ng kaso

- Madadagdagan din daw ang biktima kung magkamali ang publiko ng paghusga sa kasong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-react na si Bataan Representative Geraldine Roman ukol sa pagpanaw ng Philippine Airlines flight attendant na si Christine Dacera.

Geraldine Roman, nanawagan sa netizens ukol sa Christine Dacera case
Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Ayon kay Roman, dapat mabigyan ng due procsess ang 11 na suspects na kinasuhan ng PNP ng diumano’y rape.

Sinabi rin ni Roman na hindi muna dapat husgahan ang mgahabang hindi pa nalalaman ang lahat ng detalye ng kaso at ang side ng mga suspek.

Read also

Panawagan ng pamilya ni Christine Dacera: "Please, umamin na kayo!"

Dagdag pa ng congresswoman, madadagdagan ng biktima kung magkamali ang publiko ng paghusga sa kasong ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Sa ating pagnanais na makakamit ng daliang katarungan para kay Christine Dacera ay nananawagan po ako sa ating mga kapulisan, awtoridad, at sa lahat ng netizens na bigyan ng due process ang mga suspect kaugnay ng nangyaring insidente sa Makati nitong Bagong Taon.
“Sang-ayon sa recent developments at mga testimonya ng mga kaibigan at katrabaho ni Christine na kasama niya noong gabing iyon, mas makabubuting sususpindihin muna ang hatol ng taumbayan sa usaping ito habang patuloy pa ang imbestigasyon at hindi pa lumalabas ang buong katotohanan.
“Inaasahan ko na sa pagtupad ng kapulisan ng kanilang mga tungkulin ay magiging makatotohanan at makatarungan ang anumang imbestigasyong magaganap na may kinalaman sa pangyayaring ito. Sana po ay maging makatarungan rin po tayo sa ating pagpapasiya at paghusga. Sa ating pagnanais na makamit ang hustisya, huwag na sana tayong magdagdag pa ng ibang biktima,” sinabi ni Roman sa Facebook.

Read also

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Read also

Russu Laurente at Crismar Menchavez, umaming naki-#YesToAbsCbnShutdown

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation ng PNP. Sinampahan na ng kaso ang 11 na kasama ni Dacera sa hotel.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta