Harry Roque pinagbawalan palang mag-TikTok pagkabalik sa Palasyo
- Ipinagtapat ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinagbawalan siyang mag-TikTok simula nang bumalik siya bilang tagapagsalita ng pangulo
- Matatandaan na dating nag-viral si Roque dahil sa mga in-upload niyang videos sa TikTok
- Inamin din ng tagapagsalita ng pangulo na libangan niya talaga ang maging isang TikTokerist
- Sinabi rin niya na babalik din siya sa pag-gawa ng TikTok videos kapag bumalik na siya sa pribadong buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isinuwalat ni Presidential Spokesperson Harry Roque and tunay na dahilan kung bakit bigla siyang huminto sa pag-gawa ng mga TikTok videos.
Sa kanyang panayam sa Politiko TV, inamin ni Roque na talagang naging libangan niya ang pagiging isang TikTokerist. Subalit, kinailangan niya itong itigil bilang pagsunod sa utos sa kanya mula sa itaas. Ito ay simula noong bumalik siya bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.
“Napatigil po ang aking Tiktok. ‘Yan po ang sinabi sa akin na dapat ‘wag muna mag-Tiktok pagbalik ko bilang spokesperson.” sabi ni Roque.
Ngunit hindi ibinunyag ng kontrobersiyal na tagapagsalita kung sino ang nag-utos sa kanya. Pero tiniyak niya na mayroon talaga siyang natanggap na order.
Pinagtawanan na lamang ni Roque ang nasabing utos.
“Kaya nga ang sabi ko ‘Nasupil ang karapatan kong mag-macho dance!’,” patawa niya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon pa sa kanya, hindi rin naman magtatagal at babalik din siya sa pribadong buhay. Kapag nangyari na iyon ay ibabalik na rin daw niya ang kanyang libangan.
“Hindi naman tayo magtatagal at babalik po tayo sa pribadong buhay, magti-Tiktok po tayo uli.” sabi niya.
Noong Abril ng nakaraang taon nang pabalikin ni Pangulong Duterte si Roque bilang tagapagsalita tungkol sa mga aksyon at regulasyon na ipinapatupad ng pamahalaan sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.
Hindi lang si Roque naging tagapagsalita ng pangulo, ngunit pati na rin ng Inter-agency Task Force (IATF) para sa Management of Emerging Infectious Diseases.
Siya ang humalili sa pwesto nina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Harry Roque is isang abogado na dati ring law professor. Sa ngayon ay nagsisilbi siyang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte. Matatandaan na dati na rin siyang umupo sa parehang posisyon mula 2017 hanggang 2018, at bumalik lamang noong Abril ng 2020.
Si Roque ay ang isa sa mga pinaka-kontrobersyal na opisyal ng pamahalaan ngayon, marahil ay dahil siya ang nagsisilbing boses ng administrasyon.
Noong napag-alaman na tinurukan ang mga PSG ng mga ilegal na bakuna kontra COVID-19, binatikos si Roque dahil sa komento niya na isipin na lamang na mga ‘token’ ang mga bakunang iyon. Nagkapalitan rin sila ng mga pasaring ni Vice Ganda nang ihalintulad ng komedyante ang pagpili ng bakuna sa pagbili ng detergent na sabon.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh