Leng Altura, pinakita ang kanyang new look matapos magpaayos ng ilong

Leng Altura, pinakita ang kanyang new look matapos magpaayos ng ilong

- Ibinahagi ni Leng Altura ang isang video kung saan makikita ang kanyang pagpunta sa isang clinic

- Ibinahagi niya ang ilang tagpo nang sumailalim siya sa rhinoplasty nitong nakaraang mga buwan

- Ipinakita niya rin ang naging resulta ng kanyang pagpapaayos ng kanyang ilong

- Si Leng ay isang social media star na nakilala sa kanyang mga dance covers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng social media personality na si Leng Altura ang isang video kung saan pumunta siya sa isang clinic para magpaayos ng kanyang ilong.

Sa nasabing video, kasama niya ang kanyang boyfriend. Ayon kay leng, dati na siyang nagparetoke ng ilong ngunit non-surgical lamang umano ito.

Leng Altura, pinakita ang kanyang new look matapos magpaayos ng ilong

Leng Altura (facebook.com/arlenealturaofficialpage/)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang panibagong post ay pinakita na ni Leng ang naging resulta ng kanyang pagpaparetoke at marami sa kanyang mga tagahanga ang natuwa sa kinalabasan.

Kathryn Bernardo, ipinakita ang ilan sa paborito niyang designer bags
Ang ganda ng ilong ah, for me, hindi sya halatang pinagawa, prang natural lang.
Omg! , Ang ganda , but you know ate leng, pag nag vo vlogg ka , yung ilong mo una kong napapansin, tsaka dun ako lagi nakatingin, ang cute mo kaya dun
Walang pinag kaiba ang retoke sa pag gamit ng make up, duration lang pinag kaiba. trial card lang make up, retoke pang matagalan, walang masama jan lalo kung jan sya mismo sasaya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Unang sumikat si Arlene 'Leng' Altura bilang isang social media influencer. Pumatok sa mga netizens ang kanyang mga dance cover at tiktok videos. Naging usap-usapan siya matapos niyang pumayag na maging modelo ng isang clothing line na naging kontrobersiyal.

Matatandaang nagreklamo si Leng sa programa ni Raffy Tulfo matapos siyang akusahan ni Mark ng abortion at video scandal. Nalaman ng KAMI na naging emosyonal si Leng sa kanilang paghaharap at hindi nito napigilang umiyak habang naglalabas siya ng sama ng loob.

Janella Salvador, umalma sa mga Pinoy na body shamers

Nauwi rin sa pag-aayos ang dalawa sa bandang huli sa kundisyon ni Leng na maglalabas ng public apology si Mark at lilinisin niya ang kanyang pangalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel