Intense na kaganapan sa paghaharap ni Xander Ford at Makagago, usap-usapan sa social media

Intense na kaganapan sa paghaharap ni Xander Ford at Makagago, usap-usapan sa social media

- Minabuti ng management nina Xander Ford at YouTuber na si 'Makagago' na pagharapin ang dalawa

- Ito ay matapos ang halos di matapos-tapos na bangayan ng dalawa sa social media

- Nais ng management na pag-ayusin sila at matuldukan na ang kanilang bangayan

- Nagkasundo silang tigilan na ang patutsadahan pero parehos din silang tumanggi na kamayan ang isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang maanghang na sagutan at bangayan ng Star Image artists na sina Xander Ford at YouTuber na si Makagago, minabuti ng management na pagharapin sila upang pag-ayusin.

Gayunpaman, naging intense ang kanilang pagtatagpo. Parehas silang kumukuha ng video. Hindi naman masyadong makapagsalita si Xander nang magsimula nang komprontahin ni Makagago.

Matatandaang nag-ugat ang kanilang girian sa social media matapos magsalita ni Xander Ford hinggil sa isyu ni Makagago sa isang social media influencer na nakilala sa pangalang Leng.

Nagkaharap sina Leng at Makagago sa programa ni Raffy Tulfo at nagkaayos na rin. Ayon naman kay Xander, kaibigan niya si Leng kaya siya umalma. Binalik din niya ang dating isyu nila ni Makagago.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Upang makausap sila ng maayos, pinatigil ng Star Image management ang pagkuha nila ng video pareho. Pinaliwanag ng management na parehas silang nakalabag sa patakaran ng management. Hiniling sa kanila na sana ay matigil na ang kanilang bangayan.

Parehas silang sumang-ayon pero hindi sila nakipagkamay sa isa't-isa.

Nakilala si Xander Ford sa social media sa pangalang Marlou. Pinalitan ang kanyang pangalan mataos ang kanyang kontrobersiyal na make over.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel