TikToker na si Leng Altura, aminadong na-stress sa kumakalat na video

TikToker na si Leng Altura, aminadong na-stress sa kumakalat na video

- Naging usap-usapan na naman ang TikTok influencer na si Arlene Altura o mas kilala sa pangalang Leng

- Ito ay kaugnay sa isang video na kumakalat sa kasalukuyan na sinasabing "scandal" niya umano

- Sa video na binahagi ng kaibigan nitong vlogger na si Whamos Cruz, nabanggit ni Leng na nastress siya nang kumalat ang nasabing video at siya ang dinadawit

- Gayunpaman, mariin niyang tinanggi na siya ang babae sa kumakalat na video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging sentro ng kontrobersiya si Arlene "Leng" Altura kaugnay sa isang scandal na kumakalat ngayon sa social media. Trending sa social media ang pangalan niya matapos kumalat ang nasabing video.

TikToker na si Leng Altura, aminadong na-stress sa kumakalat na video
Leng Altura (facebook.com/arlenealturaofficialpage/)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman, minabuti niyang linawin ang tungkol sa isyu. Sa isang video kung saan kasama niya ang kaibigang vlogger na si Whamos Cruz, dinaan nila sa pabirong usapan ang tungkol sa video.

Read also

Video ng paglalambing ng anak sa kanyang ina, nagpaluha sa maraming netizens

Gayunpaman, nabanggit ni Leng na na-stress siya nang kumalat umano ang video at siya ang dinadawit dito.

Mariin din niyang pinabulaanan na siya nga ang babaeng nasa kumakalat na video.

Ilan sa mga binanggit ni Whamos na pagkakaiba nila ng babaeng nasa video ay ang pagkakaroon niya ng tattoo sa likod na wala sa babae na nasa video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Unang sumikat si Arlene 'Leng' Altura bilang isang social media influencer. Pumatok sa mga netizens ang kanyang mga dance cover at tiktok videos. Naging usap-usapan siya matapos niyang pumayag na maging modelo ng isang clothing line na naging kontrobersiyal.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nagreklamo si Leng sa programa ni Raffy Tulfo matapos siyang akusahan ni Mark ng abortion at video scandal. Nalaman ng KAMI na naging emosyonal si Leng sa kanilang paghaharap at hindi nito napigilang umiyak habang naglalabas siya ng sama ng loob.

Read also

Lolo na nakatira sa tambakan, nabiyayaan ng bago at maayos na tirahan

Nauwi rin sa pag-aayos ang dalawa sa bandang huli sa kundisyon ni Leng na maglalabas ng public apology si Mark at lilinisin niya ang kanyang pangalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel