Parol maker, naiyak at di na kukunin ng buyer ang mga order na nagkakahalagang ₱100,000
- Viral ngayong ang post ng lantern maker na naiyak nang maamang hindi na kukunin ng buyer ang mga order na parol
- Nagkakahalaga ang mga parol ng ₱100,000 kaya labis na nanlumo ang negosyante lalo na at magpapasko na
- Dahil sa ginawa sa kanya ng nag-order, mababaon pa lalo siya sa utang imbis na makaka-ahon na sana buhat nang mag-pandemya
- Ang mga netizens ay nakikiisa sa negosyante at hiling nilang mayroong bumili ng mga nagawa nang parol upang hindi na mamroblema pa ang lantern maker
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi na napigilang maiyak ng lantern maker at negosyante na si Max Simon dahil hindi na kinuha ng buyer ang mga in-order nitong parol na aabot sa ₱100,000.
Nalaman ng KAMI na labis na nanlumo si Max at ang mga kasama niyang gumawa ng sandamakmak na mga parol nang malamang mapupunta lamang sa wala ang kanilang pinaghirapan.
Inakala kasi nilang makakaahon na sila lalo na sa epekto ng pandemya dahil sa mga orders na ito na napakalaking tulong na talaga sa kanila.
Subalit makikita sa viral post ni Arlene Simon, talagang tila biglang gumuho ang mundo nila sa ginawa ng nag-order ng ginawa nilang mga parol.
"Dina kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang," ang caption ng video na nagpapakita kung gaano karami ang mga parol at kung paano ito masinop na ginagawa ng ilang katao.
Samantala, marami namang netizens ang nagmalasakit sa negosyante ang nai-tag nila ang ilang mga programa na tumutulong sa mga kababayan natin gipit at naagrabyado tulad ng Raffy Tulfo in Action, Kapuso Mo, Jessica Soho at maging ang vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer.
Umaasa sila na sa pamamagitan ng pag-tag sa mga ito, ay matutulungan ang negosyante na mabenta ang mga parol at mabawi lalo na ang pinuhunan niya rito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan ay nag-viral din ang post tungkol sa 16 na mga delivery riders na nabiktima umano ng fake orders nang di matukoy na nagpanggap na customer.
Matatandaang noong Setyembre at Oktubre, ilang riders din ang napakamot na lang sa ulo dahil sa panlolokong nagawa sa kanila ng nag-prank at gumawa ng fake order.
Hiling ng marami na matigil na ang ganitong uri ng panloloko lalo na at ang mga biktima ay pawang mga naghahanapbuhay ng marangal para lang may maipantustos sa pangangailangan ng pamilya lalo na ngayong pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh