Dating EB Babe na si Mergene Maranan, sinupalpal ang pang-iintriga ng netizen

Dating EB Babe na si Mergene Maranan, sinupalpal ang pang-iintriga ng netizen

- Isang netizen ang nagtanong tungkol sa umano'y relasyon ng dating EB Babe na si Mergene Maranan at Jose Manalo

- Hindi ito pinalampas ng dating EB Babe at matapang na sinupalpal ang pang-iintriga ng netizen

- Matatandaang matagal nang napapabalita ang tungkol sa umano'y relasyon ni Mergen sa Eat Bulaga host

- Gayunpaman, walang naging kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa kaugnay sa isyung ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinupalpal ng dating EB Babe na si Mergene Maranan ang isang netizen na nagtanong tungkol sa personal niyang buhay. Kaugnay ito sa umano'y relasyon nila ng Eat Bulaga TV host na si Jose Manalo.

Sa isang Instagram post ng dating EB Babe, tinanong ng isang netizen kung siya ang kinakasama ngayon ni Jose.

Dating EB Babe na si Mergene Maranan, sinupalpal ang pang-iintriga ng netizen

Photo from Jose Manalo (imjosemanalo)
Source: Instagram

Hindi pinalampas ni Mergene ang pang-iintriga ng netizen at sinabing wag makialam sa buhay ng may buhay at ayusin na lamang ang sariling buhay nito.

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo
Wag kasi mamakealam ng buhay ng may buhay. Ayusin mo muna buhay mo teh.. ano gusto mong sagot?

Dagdag pa ni Margene, hindi naging maayos ang paraan ng pagtatanong ng ntizen.

Maayos buhay mo? Patingin nga... Kung maayos buhay mo di mo maiisipang mag comment dito at mambwiset ng ibang tao. Wala ka magawa sa buhay mo kaya ka ganyan. Para sabihin ko sayo hindi maayos yung way ng pagtatanong mo..

Hindi din nagpatinag ang netizen at tuloy-tuloy ang naging sagot nito sa dating EB babe.

Dating EB Babe na si Mergene Maranan, sinupalpal ang pang-iintriga ng netizen

Photo from Mergene Maranan (@marananmergene)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang si Mergene ang isa sa pinakaunang grupo ng EB Babe. Iniugnay siya kay Jose Manalo matapos mamataang magkasama sila sa ilang mga okasyon.

Gayunpaman, walang naging kumpirmasyon o pag-amin mula sa kanilang dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Si Jose ay isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga mula pa noong 1995. Siya ay 54 taong gulang at unang napanood sa pangtanghaling drama naValiente. Bukod sa Eat Bulaga, naging bahagi din si Jose ng 'Sunday Pinasaya'.

Matatandaang naging maugong ang usap-usapan tungkol sa umano'y ugnayan ni Margene at Jose nang mamataan itong kasama ng TV host sa pagbubukas ng dalawang bago niyang negosyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel