Jose Manalo, lantaran nang isinasama ang 'girlfriend' niyang dating miyembro ng EB Babes

Jose Manalo, lantaran nang isinasama ang 'girlfriend' niyang dating miyembro ng EB Babes

- Sa blessing ng bagong negosyo ni Jose Manalo, kitang kasama niya ang nababalitang girlfriend niya na dating miyembro ng EB babes ng Eat Bulaga

- Nabuhay tuloy ang dati pang bali-balitang babae di umano ni Jose na si Mergene Maranan

- Pinaniniwalaang matagal na ang dalawa na unang nagksama sa Eat Bulaga ngunit wala pa ring silang inaamin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay wala si Jose Manalo sa longest running noontime show na Eat Bulaga sa kadahilanang blessing ng kanyang bagong negosyo na Nailandia at Yael's pagupitan.

Ginanap ang blessing noong Mayo 8 sa Fairview na dinaluhan din ng mga kasama ni Jose sa Eat Bulaga na sina Wally Bayola at Alden Richards.

Dumalo rin ang ilan sa mga kasama niya sa Sunday pinasaya na si Marian Rivera at Barbie Forteza.

Ngunit, nalaman ng KAMI na naging kapansin-pansin ang kasama ni Jose na dating bahagi ng grupong EB babes.

Ayon sa philnews ang babae na ito ay si Mergene Maranan na napapabalitang 'girlfriend' ni Jose.

Jose Manalo, lantaran nang isinasama ang 'girlfriend' niyang dating miyembro ng EB Babes

image:philnews.ph

Taong 2012 umugong ang balita na may relasyon ang dalawa.

Sa GMA news naman noong 2014, dalawang taon ang lumipas ng unang umugong ang isyu na ito, ay tahasang itinanggi ni Jose ang tsismis na kinabibilangan niya ay ng dating EB Babes.

Di malayong umusbong ang kanilang pagtitinginan noong nasa Eat Bulaga pa lang si Mergene kung saan isa siya sa mga dancers.

Ilang taon pa ang lumipas, wala mang inaamin si Jose ngunit lantaran naman na niyang isinasama si Mergene sa importante okasyon gaya na lamang ng blessing kamakailan ng negosyo ni Jose.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Youtube.

Si Jose ay isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga mula pa noong 1995.

Siya ay 52 taong gulang na na unang napanood sa pangtanghaling drama na Valiente.

Bukod sa Eat Bulaga, regular ding napapanood si Jose sa 'Sunday Pinasaya' Kaya naman itinuturing siya na isa sa mga masisipag na komedyante sa industriya ng showbiz.

Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two? To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel