Misis, umakyat sa kisame ng motel para magtago matapos mabuking ni mister

Misis, umakyat sa kisame ng motel para magtago matapos mabuking ni mister

- Hindi na nakaligtas ang isang misis at ang kalaguyo nito matapos silang mahuli sa isang motel

- Sinubukan pang magtago ng misis sa kisame ng nasabing motel ngunit kalaunan ay nabuking din siya

- Nahuli ang magkalaguyo matapos sundan ng mister ang kanyang misis na may sinundong lalaki sa pier

- Ayon sa mister na isang seaman, nahuli na dati ng anak ang babae noong 2017 na may kalaguyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinubukan pang magtago ng misis sa kisame ng isang motel sa Mandaue City, Cebu matapos siyang mahuli ng kanyang asawang seaman na kasama ang isang lalaki sa pagpasok sa nasabing motel.

Napag-alaman ng KAMI na sinugod ng mister ang motel matapos niyang masundan ang asawa.

Misis, umakyat sa kisame ng motel para magtago matapos matunugan ni mister

Photo from Edward Ligas
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Batang nadismaya sa bag na inorder online, kinagiliwan ng mga netizens

Ayon sa international boxing judge na si Edward Ligas, siya ang tumawag sa mga pulis matapos niyang makatanggap ng tawag mula sa kaibigang seaman habang inaabangan niya ang asawa sa labas ng nasabing motel.

Nadatnan ng mga pulis ang lalaki sa labas ng kwarto ngunit hindi agad nakita ang babae sa loob.

Gayunpaman, matapos kumalabog at nahulog ang isang parte ng kisame, nabuking na naroon siya nagtatago.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa pagmamatigas ng babae na bumaba, kinailangang gumamit ng hagdan ng mga pulis para pababain siya.

Nagkaroon ng agam-agam ang mister na tuloy pa rin ang panlalaki ng kanyang asawa dahil sa pinapakita umano nito sa kanya kapag siya ay umuuwi galing sa trabaho niya bilang isang seaman.

Desidido naman ang mister na kasuhan at ipakulong ang kanyang asawa at ang kalaguyo nito.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang kaso ng pangangaliwa ng isang lalaking nakitulog sa kanyang kabit isang linggo matapos itong ikasal sa asawa.

Delivery rider na inakusahang nagpakalat ng virus, umalma

Hindi nalalayo ang kwentong ito sa naunang ulat ng KAMI kung saan nagawang magpakasal ng lalaki sa ibang babae at tuluyan nang iwan ang nobyang OFW na 10 taon niyang kinasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel