Mga damit na ibinigay bilang donasyon, hindi napakinabangan
- Matapos ang malawakang pagbaha sa maraming bahagi ng Luzon, marami ang nagpadala ng mga donasyon
- Hindi lamang mga pagkain at pera ang naipadalang tulong kundi maging ang mga kasuotan
- Gayunpaman, dahil sa takot na naidulot ng pandemya sa mga tao, marami sa mga donasyon ang nasayang
- Itinapon na lamang ang mga damit dahil maaring ito ang maging dahilan ng lalong pagkalat ng sakit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang hindi natuwa sa isang Facebook post kung saan makikita ang litrato ng mga donasyong mga damit na itinapon na lamang sa kalsada.
Matatandaang bumuhos ang mga donasyon matapos ang malawang pagbaha sa maraming lugar sa Luzon.
Sa isang post ng Facebook user na si Sidney Batino, inihayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa itinapong mga donasyon.
Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal ,Sana po maiibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan itinapon lng sa kalsada at sa ilog .nakakasama lng ng loob pag nakita mo na ganyan mangyari na binigay mong tulong sa kanila. Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masayang yung efforts at pagod. . .
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayunpaman, hindi nakakapagtaka ang ginawang pagtanggi ng ilang mga residente sa mga donasyon dahil sa pangamba na maaring mahawahan sila ng sakit na lumalaganap sa kasalukuyan.
Bilang pag-iingat laban sa COVID-19, may mga residente na mas pinili na lamang huwag tanggapin ang mga donasyon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Matatandaang ang malawakang pagbaha ay sanhi ng mga bagyong dumaan kabilang ang Bagyong Rolly, Siony at Ulysses na nag-iwan ng napakalaking pinsala sa mga pananim at ari-arian.
Ang bagyong Ulysses na nanalasa sa maraming lugar sa Luzon ay nagdulot ng matinding pagbaha. Unang nag landfall ito sa Patnanungan, Quezon, nitong Miyerkules ng gabi, November 11. Lumabas ito ng tuluyan sa Philippine area of responsibility nito lamang Biyernes. Kabilang sa pinakanaapektuhan ng pagtaas ng tubig ay ang Marikina at Rodriguez, Rizal na lagpas tao ang lalim ng baha.
Sa matinding dagok na ito na dumating, patuloy na nanaig pa rin ang pagiging matulungin ng karamihan. Maging ang ilang kilalang personalidad kagaya nina Angel Locsin, Donalyn Bartolome, Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones at marami pang iba ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh