Inday Garutay, sinabing pinatanggal siya ni Vice Ganda sa comedy bar noon

Inday Garutay, sinabing pinatanggal siya ni Vice Ganda sa comedy bar noon

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naitanong kay Inday Garutay kung may past issue daw ba sila ni Vice Ganda

- Dito at inamin ng komedyante ang tungkol sa umano'y pagpapatanggal sa kanya ni Vice sa comedy bar na pinagtatrabahuhan niya noon

- Aniya, alam niya na i-dedeny ni Vice Ganda iyon ngunit aniya ay alam naman iyon ng kanilang mga kasamahan noon

- Nilinaw niya ring wala na siyang sama ng loob kay Vice at ang lahat daw ay water under the bridge na lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa katanungan ni Ogie Diaz kay Inday Garutay kung may past issue sila ni Vice Ganda, sinabi ni Inday Garutay na si Vice umano ang nagpatanggal sa kanya sa comedy bar noon.

Inday Garutay, sinabing pinatanggal siya ni Vice Ganda sa comedy bar noon
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Aniya, alam niya na i-dedeny ni Vice Ganda iyon ngunit aniya ay alam naman iyon ng kanilang mga kasamahan noon. Nag-ugat ang isyu ng paglabas ng saloobin ni Inday Garutay nang 'ihalal' siya bilang pinaka hindi nakakatawang komedyante sa isang vlog ni Vice Ganda.

Read also

Rich Asuncion, masayang ibinahagi ang mga biyayang natanggap noong 2021

Aniya, maaring makaapeto din ito sa kanyang hanapbuhay lalo at maimpluwensiyang tao si Vice.

“Actually, meron… 2010, of course playing safe si Jegs kaya sinabi niyang pinagpahinga pero alam ng mga kasama namin sa sing-along na pinatanggal niya ako talaga,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw niya ring wala na siyang sama ng loob kay Vice at ang lahat daw ay water under the bridge na lamang.

Dagdag pa niya, nasa kampo na raw nina Vice kung hihingi sila ng patawad sa kanya pero kung hindi naman daw ay okay lang sa kanya.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel