Rich Asuncion, masayang ibinahagi ang mga biyayang natanggap noong 2021

Rich Asuncion, masayang ibinahagi ang mga biyayang natanggap noong 2021

- Masayang ibinahagi ng dating Kapuso actress na si Rich Asuncion na mayroon na silang sariling bahay sa Australia

- Dream come true para sa mag-asawa ang pagkakaroon nila ng sariling bahay matapos nilang pagtrabahuhan ito

- Kabilang din ang pagkakaroon nilang pamilya ng commercial sa tinutturing niyang biyayang kanilang natanggap at mayroon pa umano silang gagawing isa pa

- Matatandaang kamakailan ay naibahagi ni Rich ang tungkol kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng kanyang mister na si Benj Mudie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbunga ang pagsisikap ng mag-asawang Rich Asuncion at Benj Mudie at nagkaroon na rin sila ng kanilang sariling bahay sa Australia. Masayang ibinahagi ng dating Kapuso actress ang aniya ay dream come true para sa kanilang mag-asawa.

Rich Asuncion, masayang ibinahagi na may sarili na silang bahay sa Australia
Rich Asuncion (@richasuncionmudie)
Source: Instagram

Kabilang din ang pagkakaroon nilang pamilya ng commercial ad sa tinuturing niyang biyayang kanilang natanggap at mayroon pa umano silang nakatakdang gagawing isa pa.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

It was a tough 2021 for most of us but despite all the hurdles, what matters is we come out better and stronger. I choose to celebrate every win, every learning from the past’s struggles and everything in between. Always be kind to yourself and everyone around you. Spread love and positivity this 2022.

Itinuturing niya ring blessing ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang pagkakataon. Bukod pa dito ay nakakuha din siya ng driver's license. Maging ang pagtapos ng Master's degree ng kanyang mister ay kanyang pinagpapasalamat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa mula sa mga netizens.

Kasalukuyang naninirahan ang aktres sa Canberra sa Australia kasama ang asawa't anak. Matatandaang noong Hunyo noong nakaraang taon, ibinahagi niya ang pagtanggap niya ng kanyang unang sahod bilang isang waitress sa isang restaurant doon.

Read also

Direk Joey Reyes, nagbahagi ng open letter para kay "Poblacion girl"

Si Rich ay nagmula sa talent reality search ng GMA na Startstruck habang ang kanyang asawa ay isang rugby player. Si Rich at Benj ay ikinasal noong May taong 2018 at nagkaroon ng anak na pinangalanan nilang Isabelle Brie na pinanganak noong December 2018.

Matatandaang dalawang buwan matapos silang ikasal, nagdadalangtao na ang Kapuso aktres na si Rich Asuncion.

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang mister, masayang ibinahagi ni Rich ang magandang balita.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel