Tatlong Emirati, kinagiliwan online dahil sa pagkanta nila Pinoy song na "Imahe"

Tatlong Emirati, kinagiliwan online dahil sa pagkanta nila Pinoy song na "Imahe"

- Viral ang video ng tatlong mga lalaki mula sa UAE na kumakanta ng tagalog song habang sila ay nasa loob ng kotse

- Tuwang-tuwa ang mga Pinoy dahil sa husay ng pagkakaawit ng tatlo na memorya pa ang lyrics ng kanta

- Mas lalo pang nakaagaw ng atensyon ang video dahil isa pala sa kanila ay isang half-Pinoy, half-Emirati na vlogger

- Mahigit 106,000 na ang positibong reaksyon ng naturang video at 129,000 na beses na itong naibahagi dahil marami talaga ang naaliw sa viral video na ito

Tatlong Emirati, kinagiliwan online dahil sa pagkanta nila Pinoy song na "Imahe"

Photo from Hazel Ericha Edhen's Facebook
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang tatlong mga Emirati na nagawag kantahin ang tagalog song na "Imahe" ng bandang Magnus Haven.

Ibinahagi ng netizen na si Hazel Ericha Edhen ang nakakaaliw na video ni Alawe Enoc kung saan habang nasa kotse ay kumakanta ang sinasabing mga taga-UAE ng popular na kantang may linya na "pinagtagpo ngunit hindi tinadhana."

Aiw na aliw ang mga netizens dahil sa tatas ng pagta-Tagalog ng tatlo.

Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal

Kung hindi nga raw nakatingin sa video at pinakikinggan lang ito, aakalaing mga Pinoy ang kumakanta.

Mas lalo pang natuwa ang marami nang malaman na isa sa tatlong ito ay kilalang gamer at streamer sa UAE na may page na Hamood Gaming.

Nalaman din ng KAMI na si Alawe na siyang gumawa ng video ay isang vlogger na half-Pinoy, half Emirati na mas kilala bilang si "Pambansang Arabo."

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 106,000 ang positibong reaksyon ng video ay umabot na rin sa 129,000 ang shares nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito naman ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng mga netizens:

"Ang galing naman, para talagang mga Pinoy!"

"Saan kaya nila narinig yan? naintindihan kaya nila ang lyrics? hehe"

"Siguro inintindi nila yung lyrics kaya nagustuhan din nila, ang galing"

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

"Pag di mo sila pinapanood, aakalain mong mga Pilipino ang kumakanta!"

"Mas magagaling pa ito kaysa sa mga kapitbahay naming laging kinakanta ito sa videoke"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang mga larawan ng gamer at vlogger sa bansa na si Anthony Leodones dahil nagagawa nilang i-edit ang kanyang picture kasama si Barbie Imperial na animo'y isa silang love team.

Game na game naman ang aktres na ang pinakahuling na-edit ay picture niyang nasa programa ni Raffy Tulfo at kunwaring inireklamo na siya ng girlfriend ni Anthony na si Jamie Bautista.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel