Ed Caluag, matinding hirap ang dinanas sa Halloween Special ng KMJS

Ed Caluag, matinding hirap ang dinanas sa Halloween Special ng KMJS

- Matinding hirap ang dinanas ng kilalang paranormal expert sa bansa na si Ed Caluag sa Halloween Special ng KMJS

- Nanikip ang dibdib at talagang napasuka sa sama ng pakiramdam si Ed habang nasa Paco Cemetery

- Ayon kay Ed, tila nararamdaman niya ang dinanas ng babaeng nagpaparamdam doon

- Pakiramdam niya'y halos "mamamatay" na siya sa tindi ng bigat at hirap na dinanas sa nasabing lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ed Caluag, matinding hirap ang dinanas sa Halloween Special ng KMJS

Phot: Ed Caluag's Facebook
Source: Facebook

Sapul sa mismong episode ng Kapuso mo, Jessica Soho (KMJS) ang hirap na dinanas ng paranormal expert na si Ed Caluag.

Sa Halloween Special ng KMJS ngayong taon, pinasuri ng programa kay Ed ang Paco Cemetery kung saan di umano'y isang babae ang nagpaparamdam madalas doon.

Nalaman ng KAMI na sa paglilibot ni Ed sa nasabing lugar, nakita umano nito ang nagpaparamdam doon.

Michelle Bana-ag, handang tulungan ng isang nagmamalasakit na netizen
"Mabigat, para akong aatakihin," ang kanyang nasabi matapos na mamataan ang babae. Ayon sa kanya nararamdaman daw niya di umano ang hirap na dinanas nito.
"Parang nararamdaman ko yung nangyayari sa kanya"
"Layo tayo sa lugar, nahihirapan na ako," ang mga nasabi ng paranormal expert bago ito mapasuka sa tindi ng bigat ng nararamdaman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pakiramdam daw ni Ed ay wala siyang ulo dahil manhid ang bahagi ng kanyang ulo.

"Mamamatay ako rito!" ang nasambit niya.

Nang umayos ang pakiramdam ay ipinagpatuloy pa rin niya ang paglilibot sa lugar.

Ayon sa ilang netizens, ito ang unang pagkakataon kung saan nakita nilang nahirapan nang husto ang paranormal expert na madalas na talagang imbitahin sa programa ni Jessica Soho.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Donekla Tandem, sumabak sa "Sino ang Mas Challenge"

Si Ed Caluag ay isa sa mga kilalang paranormal investigator sa bansa.

Bukod sa KMJS, minsan na rin siyang naimbitahan sa programa ni Raffy Tulfo upang masuri ang di umano'y nagpaparamdam sa kanilang opisina.

Nag-viral ang episode kung saan naroon si Ed lalo na nagtugma ang pahayag nila ng isa ring paranormal expert sa bansa na si Ana Dela Cruz.

Samantala ang "Gabi ng Lagim" ng Kapuso mo, Jessica Soho ay isa sa mga pinakaabangang episode ng naturang programa, taon-taon sa paggunita ng Araw ng mga Patay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel