Haponesa, dumulog kay Tulfo para masingil ang P150,000 na pinahiram sa Pinoy ex-BF

Haponesa, dumulog kay Tulfo para masingil ang P150,000 na pinahiram sa Pinoy ex-BF

- Isang Haponesa ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang mabawi ang di umano'y naipahiram sa dating nobyo na isang Pinoy

- Kwento ng ex-GF, bukod sa P150,000 marami pa umano siyang nagastos sa lalaki lalo na at binibisita niya ito buwan-buwan sa bansa

- Humantong man sila sa engagement subalit nasabi ng babae na nagawa pa rin daw umanong magloko ng lalaki

- Subalit madali namang kausap ang lalaki na agad daw babayaran ang P150,000 para matapos na rin ang usapan nila ng dating nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Japanese ex-GF, siningil ang P150,000 na napahiram niya noon sa Pinoy BF

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang Haponesang si Mika Nakahara dahil nais niya umanong masingil ang dating Pinoy boyfriend niyang si Joenick Panizales.

Nalaman ng KAMI na umabot sa P150,000 ang di umano'y napahiraw ni Mika sa ex-BF.

Raffy Tulfo, biniyayaan ng P100,000 ang isang ina ng kambal na PWD

Bukod pa rito, nabanggit ng babae na buwan-buwan siyang dumadalaw sa bansa para rin daw makita ang anak ng lalaki na iniiwanan din niyang ng perang nasa P20,000.

Depensa naman ni Joenick, lahat ng gastusin ni Mika sa Pilipinas tulad ng bahay, kotse pagkain at iba pa ay siya naman ang naglalabas ng pera.

Katunayan, pwede naman daw niya itong dalawin sa Japan ngunit ang babae na raw mismo ang nagsabi na siya na lamang ang pupunta upang makabawas ng gastusin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ang sinasabi rin daw na malaking halaga ni Mika ay may bahaging ipinalalaan nito sa unit na gustong kunin nito dito sa Pilipinas.

Mapapansing tila hindi na nagkakaunawaan ang dalawa na marahil isang dahilan din ng kanilang hiwalayan.

Humantong pa naman umano sa engagement ang dalawa subalit ayon kay Mika, nakuha pa rin daw umanong magloko ni Joenick.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Upang matapos na ang usaping pera, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Joenick at sinabing babayaran na niya agad kinabukasan ang hinihinging P150,000 ni Mika.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isang batikang news anchor sa bansa, kilala si Raffy Tulfo sa agarang pag-aksyon sa sinumang dumulog sa kanyang programa na nangangailangan ng tulong.

Tulad ni Mika, isang Thai hotel supervisor ang natulungan din ni Tulfo na mahanap ang Pinoy na nakabuntis at umiwan di umano sa kanya.

Patunay lamang ito na ordinaryong Pinoy, kilalang personalidad o iba man ang nasyunalidad ay nagagawang tulungan ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel