Anak, nireklamo ang sariling nanay matapos mapagbintangang kabit siya ng tatay niya

Anak, nireklamo ang sariling nanay matapos mapagbintangang kabit siya ng tatay niya

- Inireklamo ng isang anak ang nanay niya matapos umano siyang pagbintangan nito na may relasyon sila ng tatay niya

- Depensa naman ng nanay, ang isa pang anak niya ang nag-message nito at ginamit lang ang cellphone niya

- Sabi ng kapatid, umamin daw sa kanya noon ang anak na may relasyon sila ng tatay niya dati

- Subalit, madiin namang itinanggi ito ng anak at handa rin siyang magpa-lie detector test upang patunayan ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang anak ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na Idol in Action matapos siyang pagbintangan ng nanay niyang kabit daw siya ng tatay niya.

Nalaman ng KAMI na nais ng anak na kasuhan ang nanay niya pati na rin ang kapatid at lola niya dahil sa mga pambibintang umano ng mga ito sa kanya.

Ex-BF na naghahabol sa nagastos kay GF, nasermunan ni idol Raffy Tulfo
Anak, nireklamo ang sariling nanay matapos mapagbintangang kabit siya ng tatay niya

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, inireklamo ng anak na si Angelica, 22 anyos, ang nanay niyang si Melissa dahil pinagbintangan umano siya nito na may relasyon sila ng sariling tatay niya.

“Sa tingin ko lang naman na dahilan eh galit siya sakin kasi tinutulungan ko po ‘yung papa ko. Kaya nagulat na lang ako na nag-chat siya nang ganon,” paliwanag ni Angelica.

Depensa naman ng nanay, ang nag-chat kay Angelica ay ang isa pang anak nito gamit ang cellphone niya.

Paliwanag ng kapatid, umamin daw si Angelica sa kanya noon na may relasyon daw sila ng tatay niya.

Madiing itinanggi naman ni Angelica na may nangyari sa kanila ng tatay niya at handa raw siyang magpa-lie detector test upang patunayan ito. Kaya naman, hihintayin pa ang resulta nito at may karugtong pa ang kwento.

Alamin ang buong kwento rito:

Rider, umalma nang pagtulungan ng mag-asawang nakaalitan sa kalye

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Raffy Tulfo in Action ay isang sikat na programa na nakilala sa pagtulong sa mga pangkaraniwang Pilipino na malutas ang problema nila sa buhay.

Kamakailan nga ay isang anak din ang nagreklamo kay Tulfo dahil may relasyon umano ang ama niya at ang kanyang misis.

Nito lang, nawindang si Tulfo sa pangangaliwa ng isang misis dahil dalawa pa umano ang kabit nitong lalaki.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel