Nurse, inahas ang asawa ng pasyente niyang nagda-dialysis at naging malapit na kaibigan

Nurse, inahas ang asawa ng pasyente niyang nagda-dialysis at naging malapit na kaibigan

- Humingi ng tulong ang isang dialysis patient sa Raffy Tulfo in Action matapos umanong agawin ng nurse niya ang kanyang asawa

- Kwento ni misis, naging malapit na kaibigan niya ang nurse kaya naman hindi niya inakalang magagawa nila ito sa kanya

- Nagmakaawa pa ang pasyente sa nurse na ibalik na lang si mister sa kanila ng mga anak niya

- Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw tumitigil ang nurse at kinakausap pa rin ang asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang misis na may malubhang sakit ang humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action matapos agawin ng nurse niya ang kanyang asawa.

Nalaman ng KAMI na naging malapit na kaibigan pa ng pasyente ang nurse bago nito inahas ang mister niya.

Nurse, inahas ang asawa ng pasyente niyang nagda-dialysis at naging malapit na kaibigan

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, si Rica de Vera ay may sakit kaya lagi siyang nagpapa-dialysis. Sa dalas niya sa ospital, naging malapit na siya sa nurse na si Vera Mae.

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Aniya, lagi niyang nakakausap ang nurse at napagkukwentuhan nila ang pamilya niya. Sinasabi pa ng nurse na maswerte ang pasyente niya sa kanyang asawa dahil kahit seaman ito ay hindi ito nang-bababae, hindi katulad ng asawa niya.

Inaaya umano ni Vera Mae lumabas ang mag-asawa, hanggang sa ang mister na lang ng pasyente ang inaaya niya. Napadalas na rin ang pag-uusap ng mister niya at ng nurse.

Nagmakaawa pa si Rica kay Vera Mae na ibalik na lang sa kanya ang asawa niya dahil ang pamilya niya ang tanging yaman niya.

“Maganda ka, malakas ka, marami ka pang mahahanap na iba, sana ibigay mo na samin ng mga anak ko ‘yung asawa ko,” sabi ni Rica.

Kwento pa ng pasyente, sinabihan pa siya ni Vera Mae na hinihintay na lang nito ang kamatayan niya.

Hindi na rin daw umuuwi si mister sa pamilya niya at sumunod din si Vera Mae rito. Natanggal naman sa trabaho ang nurse, pero ngayon ay nasa ibang bansa na siya.

Nurse na inahas ang mister ng pasyente niya, posibleng may kalagyan na

Alamin ang buong kwento rito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Raffy Tulfo in Action ay isang sikat na programa na nakilala dahil sa pagtulong sa mga taong nangangailangan ng aksyon sa kanilang problema sa buhay.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang misis naman ang nagreklamo kay Tulfo matapos umanong mangaliwa ng asawa niya kasama ang mismong hipag nito.

Samantala, isang babae naman ang humingi ng tulong matapos siyang ipagpalit ng nobyo niya sa halagang P35,000 at inatrasan ang kasal nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel