Ang lupit! Mister, di kinaya ang relasyon daw ng misis sa pinsan nito

Ang lupit! Mister, di kinaya ang relasyon daw ng misis sa pinsan nito

- Iginigiit ng OFW na si Ronnie Yabut na may relasyon ang kanyang misis at ang pinsan nito nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

- Ayon kay Ronnie, naaktuhan pa mismo ng kanyang nanay at mga pinsan ang dalawa sa loob ng isang kwarto

- Pero depensa ni misis, isinet up lamang sila ng biyenan at na kanyang bestfriend at wala raw silang relasyon ng pinsan

- Napahagulgol na lamang si mister nang makausap sa programa ang kanyang inirereklamong asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na sakit ang naramdaman ng overseas Filipino worker (OFW) na si Ronnie Yabut nang madiskubre ang diumano'y pangangaliwa ng kanyang misis na si Abby Ghey Yabut.

At ang itinuturong lalaki ni misis ay ang pinsan nito na si Christian Bondoc.

Ang lupit! Mister, di kinaya ang relasyon daw ng misis sa pinsan nito

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon kay Ronnie, nang dumulog ito sa programa ni Raffy Tulfo, ay naaktuhan pa raw ng kanyang ina at mga pinsan na magkasama sa iisang kwarto ang dalawa sa bahay mismo ng bestfriend ni misis.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Bukod dito, iginigiit din ni Ronnie na mayroon siyang mga ebidensya tulad ng mga chat messages at audio recording kung saan sinasabi nitong umamin na si Abby Ghey tungkol sa relasyon umano nito sa pinsan.

Maging ang ina ni Ronnie na si Nova Yabut ay napaiyak na lamang nang humarap sa programa. Ayon kay aling Nova ay matagal na raw nilang sinusubaybayan ang manugang na si Abby Ghey.

Pero depensa naman ng dalawa, isinet up lamang sila ng partido ni Ronnie at ng bestfriend ni Abby Ghey.

Batay sa kwento ni Abby Ghey, pumunta sila sa bahay ng kanyang bestfriend kung saan sila "nahuli" ng biyenan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Alam daw ng kanyang bestfriend na pupunta sila roon ni Christian para maghintay sa kanyang biniling paninda.

Iginiit din nito na sumasabay lang siya sa pinsan para magpatulong na buhatin ang kanyang mga paninda.

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Itinanggi nito ang mga akusasyon nina Ronnie at ito rin ang pahayag ni Christian.

Ani Abby Ghey, hindi raw kasi siya gusto ng pamilya ng asawa. Inilahad din nito ang mga umano'y pananakit sa kanya ng asawa.

Ngunit desidido si Ronnie na sampahan ng kaso ang dalawa. Nanindigan naman si Abby Ghey na wala siyang kasalanan.

Nakatakdang magkita ang bawat panig sa kanilang barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan ay isang OFW din ang lumapit kay idol para ireklamo ang kanyang ex-BF na tinulungang nitong makalaya ngunit sa iba umano umuwi.

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

Isa ring OFW ang humingi nang tulong kay Tulfo upang bigyan ng leksyon ang kanyang mister na nagawang magpakasal sa ibang babae!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel