Magandang misis, emosyonal sa bangayan nila ng ex sa programa ni Tulfo

Magandang misis, emosyonal sa bangayan nila ng ex sa programa ni Tulfo

- Naging emosyonal ang babaeng complainant ng programa ni Raffy Tulfo nang makausap nito ang dating kinakasama

- Inireklamo kasi nito ang ex dahil sa umano'y palyadong sustento sa kanilang anak at ang paghingi ng "kapalit" para rito

- Itinanggi naman ng inirereklamong lalaki ang mga paratang sa kanya ng babae ngunit sa huli ay inamin din nito ang nagawang pananakit noon

- Nanindigan naman ang babae sa kanyang mga sinabi sa programa at desididong kasuhan ang kanyang ex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal ang complainant ng programa ni Raffy Tulfo na 'Tulfo in Action' na si Charisa Celedonio nang makausap ang dati nitong kinakasama na si alyas "Kevin".

Inireklamo ni Charisa ang umano'y palyadong sustento ng lalaki sa kanilang anak at nanghihingi pa umano ito ng "kapalit" kapag magbibigay ito.

Magandang misis, emosyonal sa bangayan nila ng ex sa programa ni Tulfo

Photo from Charisa Celedonio Facebook account
Source: Facebook

Naungkat din ang pananakit at pambabae ng lalaki noon at nagpakita pa ng mga larawan ang babae na patunay nito.

Ngunit mariing itinanggi ni Kevin ang mga paratang sa kanya ni Charisa. Anito, ito na mismo ang tumatanggap ng kanyang sahod.

Sinabi rin ni Kevin na nakikipag-ayos siya kay Charisa para sa kanilang pamilya ngunit itinataboy na umano siya nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nais din daw ng lalaki na burahin ni Charisa ang kanyang post sa social media na naging kasiraan daw niya.

Sa puntong ito ay naiyak na ang babae dahil sa mga paratang ni Kevin at ang pagtanggi nito sa kanyang mga akusasyon.

Ngunit sa huli ay napaamin din ni Raffy Tulfo ang lalaki tungkol sa pananakit nito noon kay Charisa base na rin sa mga ebidensyang ipinakita ng babae.

Depensa ni Kevin matagal nang nangyari ang insidenteng iyon at na-settle na umano nilang dalawa.

Pero desidido si Charisa na kasuhan ang lalaki at nangako naman ng tulong si idol Raffy para sa babae.

Nakiusap naman si Kevin na ayusin na lamang nilang dalawa ni Charisa ang lahat ng personal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, lumapit sa kanyang programa ang kontrobersyal na couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel