Pulis na na-KMJS ang love story, umalma sa paratang na "babaero" siya

Pulis na na-KMJS ang love story, umalma sa paratang na "babaero" siya

- Nagsalita na ang pulis na si Joebert Lacea matapos itong akusahan ng pagiging babaero at ma-bash online

- Ito ay matapos mai-ere sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' ang mala-Koreanovela na love story nila ng nobyang si Richelle Amorcilla

- Matatandaang nag-viral ang pagkikita ng dalawa sa kauna-unahang pagkakataon nang habulin ni Richelle si Joebert na madedestino sa malayong lugar

- Ngunit muling nag-viral ang kanilang pag-iibigan nang lumutang ang mga larawan ni Joebert kasama ang iba't ibang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sinagot na ng viral pulis na si Joebert Lacea ang mga paratang na siya ay babaero.

Ito ay matapos mai-ere sa GMA program na 'Kapuso Mo Jessica Soho' ang mala-Koreanovela nilang love story ng nobyang si Richelle Amorcilla.

Matatandaang nag-viral ang pagkikita ng dalawa sa kauna-unahang pagkakataon nang habulin ni Richelle si Joebert na miyembro ng PNP-Special Action Force at madedestino sa malayong lugar sa loob ng tatlong buwan.

Pulis na na-KMJS ang love story, umalma sa paratang na "babaero" siya

Photo from Zef Juan Facebook page
Source: Facebook

Ngunit hindi nagtagal ay lumutang naman ang ilang larawan ni Joebert na may mga kasamang iba't ibang babae.

Isa na rito ang dati nitong kasintahan na isa ring pulis na diumano'y niloko ni Joebert.

Sa isang post sa kanyang Facebook page, nilinaw ni Joebert ang kinakaharap na isyu matapos siyang makatanggap ng pangba-bash online.

Itinanggi ng binata ang paratang na niloko niya ang kanyang ex-girlfriend at maging ang tungkol sa mga babaeng inuugnay sa kanya.

"HI EVERYONE.

"I tend not to post nor reply to any comments regarding this issue for sake of everybody ug sa pag aakala na maging okay lang BUT it triggered me kay murag mag d cla katulog dili gyud makita maguba ang is aka tao. This post is to clarify things and for those sawsawera/sawsawero..

"Bear with me..

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"1st is About sa ex ko na na two time daw? nag trending kame Nung April na akala Ng lahat masaya pa kame non. But on May 4 break na kame. She is in her new relationship last June 3 (I think?)and mine is June 30, so paano naging two time yun.. for those people nagaingon dali lang kuno nakamove on, try to consider also d other side.

"Second is about sa "MyLoves" from Bohol..Yes, nag ka MU kame dati. Pero D PO NAGING KAME... I just pray na makakita din xa nang guy na Maka KMJS nya..(Kidding aside).

"Third is Yung July daw? Gwapo ko na talaga eh noh? I never met that girl. Sino yun..

"The fourth one is kasalanan ko ba mainlove ulit sa taong bago mo lng nkilala? Ika nga, it will never be the time..its the feeling matters.

"And last, Stop the hate to anyone involve sa issue. And please refrain posting fake news or allegation without knowing the whole story. Kilala nyu ba talaga ako? Kasi kayu d ko din kilala.. so stop the hate, memes and making fun of someones life just to add fuel to fire.

"I also have my family to protect.. if nasakitan mo nga dili mo involve.. how come nalang sa among family both?

"Hope this will become a lesson to everyone.. kay even professionals mahimo nang Bugo tungod sa trending. Our happiness will not be defended by your opinion.. D NAKO IBUTANG AMONG KALIPAY SA IMONG MGA WAY AYU NGA COMENTO. So stop the hate. Let's not waste everyones time..matulog nata! Kay manarbaho patag iya-iya ugma.."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay isang informative show ng GMA Network na pinangungunahan ng batikan at respetadong journalist na si Jessica Soho.

Una itong napanood noong November 7, 2004 at umani na ng sari-saring parangal.

Kamakailan, nag-viral din ang isa sa mga episode nito kung saan isang duwende umano ang "sumilip" sa isang Tiktok video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel