Buntis, kakasuhan na ang mister na nagawang i-video ang pananakit nito sa kanya

Buntis, kakasuhan na ang mister na nagawang i-video ang pananakit nito sa kanya

- Desidido nang kasuhan ng misis ang mister na nagawa pang i-video ang pananakit na ginawa nito sa kanya

- Sinabi ng mister na kaya lamang daw niya ito nagawa ay bilang depensa sa sarili at patunayang ang kanyang misis ang nagkakasala sa kanya

- Subalit ito pa ang naging ebidensya ng misis ng matinding ginagawa ng mister na hindi lamang pala isang beses nangyayari

- Nagpaabot na rin ng tulong si Raffy Tulfo sa buntis na wala pang hanapbuhay lalo na at tuluuyan na nitong hiniwalayan ang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis, kakasuhan na ang mister na nagawang i-video ang pananakit nito sa kanya

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Dumulog na sa programa ni Raffy tulfo ang buntis at complainant na si Melissa Ng dahil sa umano'y pananakit ng kanyang mister na si Victor Ng at nagawa pa itong i-video.

Nalaman ng KAMI na buntis pa umano si Melissa nang magawa ng mister ang pananakit.

Desidido nang kasuhan ng misis ang mister na ilang beses na niyang pinatawad dahil ilang beses na pala siya nitong nasasaktan.

Maging ang ina at kapatid ng babae ay saksi sa pananakit ng lalaki ngunit noon pa man ay pinalalabas na nitong ang misis ang nagkakamali.

Sa huling pagtatalo nila, binawalan lamang umano niya ang mister na lumabas at makipag-inuman sa takot na mahawa ito sa COVID-19.

Buntis pa naman siya at may dalawa pa silang mga anak na maaring mahawa.

Ngunit nangyari na naman ang pananakit at talagang nai-video pa ito ng lalaki.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa sa kwento ni Melissa, marahil hindi raw inakala ni Victor na ganoon na katindi ang nagagawa nito sa video kaya imbis na ipang-depensa niya ito sa sarili, naging ebidensya pa umano ito ni Melissa.

Bukod sa pagsasampa ng kaso, desidido na rin si Melissa na tuluyan nang hiwalayan ang asawa at hindi na niya ito magagawang pagbigyang muli gaya nang ilang beses na niyang nagawa.

Sa ngayon ay nasa puder na muli si Melissa ng kanyang ina at kapatid gayundin ang kanyang mga anak.

Pagsusumikapan na lamang daw niyang itaguyod ang mga anak huwag lamang bumalik sa kamay ng mapanakit na asawa.

Nagpaabot na rin ng tulong ang programa ni Raffy Tulfo Melissa lalo na at wala pa itong hanapbuhay sa ngayon.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Raffy Tulfo hindi lamang sa pagiging isang broadcast journalist kundi dahil sa mabilisan niyang pag-aksyon sa mga hinaing ng mga mamayan na idinudulog sa kanyang programa.

Mapa-simpleng mamamayan man ito o kilalang personalidad, nagagawa niyang tulungan at aksyunan sa tama at legal na paraan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel