Reklamo ni ate, bumalik din lahat sa kanya; viral na sa social media

Reklamo ni ate, bumalik din lahat sa kanya; viral na sa social media

- Isang ina ang dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang dati niyang boyfriend at ang bago nitong girlfriend

- Ayon sa kuwento ni Abbie Rhica Miranda, ginagawang panakot ni Justin Lloyd Turman at Fhatimie Andal ang kanyang mga maselang video

- Ipinagtatanong pa raw ni Fhatimie sa social media kung sino ang interesado makakita ng nasabing video

- Pero tila isang malaking "plot twist" ang naganap nang malaman ni Idol Raffy ang kasalanan din ni Abbie kay Justin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" ang isang ina na si Abbie Rhica Miranda dahil sa ginawa umano ng kanyang ex-boyfriend na si Justin Lloyd Turman at ng girlfriend nito ngayon na si Fhatimie Andal.

Nalaman ng KAMI na ayon sa kuwento ni Abbie, pinagbabantaan daw siya nina Justin at Fhatimie na ikakalat nila ang kanyang private video sa social media.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinagtatanong pa raw ni Fhatimie sa social media kung sino ang gustong makakita ng maselang video ni Abbie.

Dahil sa takot ni Abbie, napilitan siyang mag-post sa Facebook ng mga screenshots ng pananakot ng dalawa.

Sabi pa ni Abbie sa kanyang post, sana ay bigyan naman siya ng kahihiyan ni Justin dahil siya pa rin ang ina ng kanilang mga anak, "Nanay ako ng mga anak mo na babae! Kahit konting kahihiyan lang sana!"

Matindi ang mga sumbatang naganap sa dalawang panig at talaga namang intense ang mga pag-uusap.

Reklamo ni ate, bumalik din lahat sa kanya; viral na sa social media

Source: YouTube - Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Patong-patong sanang kaso ang puwedeng isampa ni Abbie laban sa dalawa, pero laking gulat ni Idol Raffy nang malaman na nagpadala rin pala si Abbie ng maselang larawan ni Justin sa group chat.

Mas matindi man ang nagawa nina Justin at Fhatimie sa kanya, lumalabas na tablado lamang sila.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Sa nakaraang balita, ang personal driver ng "It's Showtime" host na si Jugs Jugueta ay dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Meron siyang gustong linawin ukol sa kanyang pagta-trabaho kay Jugs ng sampung taon.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel