Babaeng nabuntis ni ex nang dahil sa lockdown, tinalikuran at siniraan pa sa socmed

Babaeng nabuntis ni ex nang dahil sa lockdown, tinalikuran at siniraan pa sa socmed

- Isang babae ang nabuntis ng kanyang dating kasintahan nitong nakaraang lockdown

- Humingi siya ng tulong kay Idol Raffy dahil bukod sa walang sustento ay kung ano-ano pa ang pinagkakalat nito sa social media

- Hindi rin pinanagutan ng lalaki ang kanyang dating girlfriend kaya mag-isa na lamang niyang itataguyod ang kanilang baby

- Ang hindi niya matanggap ay tawaging "malandi" at pagbintangan ng masasama at ipagkaila na baby niya ang kanyang dinadala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" si Madilyn Dominguez matapos siyang mabuntis ng kanyang boyfriend nitong lockdown.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Madilyn, bukod sa tinalikuran ni Raeban de Guzman Datu ang kanyang responsibilidad ay sinisiraan pa raw siya nito sa kanilang mga kaibigan.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinagbibintangan niya na merong 3 accounts sa social media si Madilyn na ginagamit niya upang manlalaki.

May mga ebidensya rin si Madilyn kung paano siya siraan ng dating kasintahan. Tinatawag siyang "malandi" at ikinakaila na siya ang ama ng bata.

Vice Ganda

Source: YouTube (Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Vice Ganda

Source: YouTube (Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Hindi matanggap ni Madilyn na hindi na nga siya naghahanap ng sustento galing dito at nakukuha pa siyang siraan ng husto, "Di na nga kita ino-obliga, hindi ka nga nagbibigay eh. Kung tutuusin dapat nga ikaw yung kusang nagbibigay, di ko kailangan manghingi sayo."

Dumating pa sa puntong sinaktan pa siya ng pisikal ni Raeban kahit na buntis na siya, "Pinagsisipa mo ako sa likod, buntis na ako nun."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Sa nakaraang balita, isang OFW sa Canada ang naloko ng kanyang karelasyon sa Pinas na sana'y ikakasal na sa Hong Kong. Nagkagasta na ng nasa 200k ang babae para sana sa kanilang kasal pero nag-backout si BF. Sinisingil ng OFW ang dating BF sa kanyang nagasta kung hindi ay sasampahan niya ito ng kaso. Buwelta ni BF, hindi lang siya ang nanloko at niloko rin daw siya ng OFW dahil itinago nito na meron na siyang anak.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel