Raffy Tulfo, 'di napigilang sermunan ang nanay na inireklamo ang anak

Raffy Tulfo, 'di napigilang sermunan ang nanay na inireklamo ang anak

- Hindi na napigilan pa ni idol Raffy Tulfo ang sermunan ang isang ginang na inoobliga ang anak na OFW na magpadala sa kanya ng sustento

- Ayon kay Tulfo, hindi dapat inoobliga ng magulang ang anak na bigyan ito ng sustento

- Maging ang mga netizens, hindi rin napigilang mag-react sa attitude ni nanay

- Reklamo pa nga nito, bine-brainwash daw kasi ang anak ng kinakasama nitong lesbian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinangaralan ni Raffy Tulfo ang isang ginang na inireklamo ang kanyang anak na isang overseas Filipino worker sa Amerika.

Ayon kay Leilani Elicano, pinabayaan na raw siya ng anak na si Rochelle Mary Kelley na isang factory worker sa US.

At sa halip na tulungan siya ay napupunta lang diumano ang kinikita nito sa kinakasama nitong lesbian sa Pilipinas.

Pati umano pamilya ng kinakasama nito ay binubuhay na rin ng anak na ikinasasama ng loob ni nanay Leilani.

Pero ayon kay idol Raffy, karapatan daw ni Rochelle na lumigaya at wala na dapat pang pakialam ang nanay nito sa relasyon nito sa isang tomboy.

Raffy Tulfo, 'di napigilang sermunan ang nanay na inireklamo ang anak

Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Hindi rin daw obligasyon ni Rochelle na tustusan ang pangangailangan ng ina lalo pa at may responsibilidad na ito bilang ina sa anak nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang mga netizens ay hindi napigilang mag-react sa atittude ng ina.

Ganunpaman, iginiit ni nanay Leilani na na-brainwash na raw kasi ng kinakasama nito ang anak.

Hindi naman daw niya inoobliga ang anak na sustentuhan siya ngunit nais lamang daw nito na tulungan siya nito.

Samantala, naiyak na lamang ang OFW na si Rochelle sa mga sinabi ng ina. Itinanggi rin nito na siya ang bumubuhay sa kinakasama o sa pamilya nito.

Anito, sa kabila ng alitan nilang mag-ina noon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang nanay.

Linggo-linggo umano siya magpadala sa nanay at natigil lamang ito nang magkaroon ng pandemya at nawalan siya ng trabaho.

Kailangan din daw niyang suportahan ang sariling anak na nasa poder ng kanyang ex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa Pilipinas.

Kilala ito dahil sa kanyang public service.

Kamakailan, isang babaeng complainant ang nabuking ni idol Raffy na nagsisinungaling laban sa inirereklamong ex!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel