Mikee Agustin, buntis na sa anak nila ni Yexel Sebastian

Mikee Agustin, buntis na sa anak nila ni Yexel Sebastian

- Kakaiba ang naging paraan ng pag-anunsiyo nina Mikee Agustin at Yexel Sebastian tungkol sa kanilang pagkakaroon ng baby

- Sa isang panibagong YouTube video, kunwari ay si Vhong Navarro ang kanilang bibiktimahin ng prank

- Hanggang sa inamin nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Mikee na dati ring nakakasama ni Vhong sa 'It's Showtime' dahil isa siya sa mga miyembro ng Girltrends

- Marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natuwa sa panibagong yugto ng buhay nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng magkasintahang Yexel Sebastian at Mikee Agustin na magkakaroon na rin sila ng anak.

Sa isang YouTube video ay sinubukan ng magkasintahang kunwari ay i-prank si Vhong Navarro tungkol sa pagbubuntis ni Mikee.

Gayunpaman, ayon sa kanila, ang totoong kanilang na-prank ay ang kanilang mga manonood dahil totoong nagdadalantao na si Mikee.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inalok din ni Mikee na maging ninong si Vhong at walang pag-aalinlangan namang pumayag ang TV host.

Sa huling bahagi ng video ay pinasalamatan ng dalawa ang kanilang mga tagasuporta at humiling na sana ay samahan pa rin at suportahan pa rin sila sa susunod na yugto ng kanilang buhay bilang mga magulang.

Inudyok din ni Yexel ang kanilang mga tagapanood na makihula kung ano ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Mikee Agustin, buntis na sa anak nila ni Yexel Sebastian

Photo from @iammikeeagustin/Instagram
Source: Instagram

Magbibigay din umano siya ng P10,000 sa pinakamagandang pangalan na magustuhan niya bilang suhestiyon sa magiging pangalan ng kanilang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Yexel Fernando Sebastian ay isang television personality, director, producer, dancer, toy collector at curator. Siya ang nagmamay-ari ng pinakamalaking Optimus Prime bust sa buong Asya.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Si Mikee Agustin naman ay naging bahagi ng Girltrends na all-girl group na sumikat sa noontime show na It's Showtime. naging kontrobersiyal ang kanilang grupo matapos umani ng pambabatikos ang isang production number nila na kung saan hindi sila sabay-sabay kung sumayaw.

Dumami ang tagasuporta ng tambalan nila. Kaya naman marami din ang nalungkot nang magbahagi ng mensahe ng pamamaalam si Mikee kay Yexel noong nakaraang taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel