Binatang may bingot, nakapagtapos ng senior high school na may honors

Binatang may bingot, nakapagtapos ng senior high school na may honors

- Naging viral sa social media ang isang binatang may matinding pinagdaanan sa buhay ngunit nakapagtapos na ng senior high school

- Kahit na maraming mga kapintasan ang naranasan niya sa buhay, patuloy pa rin siya sa pagsusumikap sa buhay

- Aniya, ang mga pagsubok sa buhay ang nagpatatag sa kanya upang magpursige sa buhay

- Maging ang mga netizens ay naantig sa kwento ng binatang nagsilbing inspirasyon sa karamihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang estudyanteng may cleft palate o bingot ang nagsilbing inspirasyon sa mga netizens ngayon dahil siya ay nakapagtapos na ng senior high school.

Nalaman ng KAMI na kahit kaliwa’t kanan ang panunukso sa kanya ng mga tao habang tumatanda siya ay hindi naging hadlang ito para magpursige siya sa pag-aaral.

Kwento ng 20 anyos na si Rizal Gutierrez, ang kanyang hindi magandang mga karanasan ang nagpatatag sa kanya upang kayanin ang mga pagsubok sa buhay.

“Thank You God! Sa mga challenges na binigay mo sakin para patatagin ako sa mga failures and inability to achieve something pero proven na kung ano ang pinag dasal mo at kung ano ang deserve mo yun ang makukuha mo, the rest yun yung mga bagay ninanais mo pero ayaw pa ni God makuha mo ika nga nila,” sabi niya sa kanyang post.

Labis din ang pasasalamat niya sa mga tumulong sa kanya upang makapagtapos sa senior high school at may honors pa siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naantig naman ang puso ng mga netizens sa kwento ng buhay ni Rizal. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Congrats po. ikaw po ang tunay na idol”
“Nakaka proud ka kuya... Goodluck and pray as always... God bless po “
“Congrats po Kuya sana makamit mo lahat ng pangarap mo.......”
“You're such an inspiration! Congratulations and continue living your dreams! ”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel