69-anyos na lolo, pumila nang matagal kahit may asthma ngunit walang nakuha na cash aid

69-anyos na lolo, pumila nang matagal kahit may asthma ngunit walang nakuha na cash aid

- Isa si Lolo Jimmy Tindugan sa mga drivers na pumila sa bangko upang kumuha ng P8,000 na ayuda mula sa gobyerno

- Si Lolo Jimmy ay 69 anyos na taxi driver na may asthma ngunit nag-tyaga na pumila sa bangko simula alas-5 ng umaga

- Subalit, hindi nakakuha ng tulong pinansyal si lolo dahil wala umano ang kanyang pangalan sa listahan

- Sa kanyang pag-uwi, naghihintay sa kanya ang kanyang asawa na na-stroke noon at wala pang kinakain sa buong araw na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 69 anyos na lolo ang umuwi ng walang P8,000 na ayuda matapos pumila nang matagal sa bangko.

Nalaman ng KAMI na si Lolo Jimmy Tindugan ay isang taxi driver at alas-5 pa lang ng umaga ay pumila na siya upang makakuha ng tulong mula sa gobyerno.

Subalit, ayon sa Facebook post ni Jacque Manabat, hindi nakuha ni lolo ang tulong na inaasahan niya sapagkat wala umano sa listahan ang pangalan niya.

Kahit na may asthma si Lolo Jimmy, tiniis niya ang paghihintay nang matagal at gutom para lang makakuha ng ayuda ngayong tigil pasada siya dahil sa enhanced community quarantine.

Kwento ni Manabat, tinawagan niya si lolo noong kinagabihan upang kumustahin siya. Sabi ni Lolo Jimmy, muntikan na raw siya himatayin habang pauwi siya. Buti na lang daw ay may motoristang nagmagandang loob na tulungan siya. Ngunit, hinuli umano sila dahil bawal ang mag-angkas ng pasahero ngayon sa motorsiklo.

Pagka-uwi umano ni Lolo Jimmy, naghihintay sa kanya ang asawa niyang na-stroke noon at wala pang nakakain sa buong araw na iyon.

“Nangutang muna ako sa tindahan. Tapos ang daming tumawag sakin na gusto raw tumulong. Pakisabi salamat,” sabi ni Lolo Jimmy.

Nang tanungin ni Manabat si lolo kung kaya niya pa, ang tanging sagot na lang nito ay, “Kaya pa, ewan ko kung kaya ko pa.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi lahat ng drivers ay nabigyan ng ayuda dahil limitado lang ang kayang i-accommodate ng bangko na 350 na tao kada araw.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes participated in a hilarious edition of our “Tricky Questions” challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel