Love story ng estudyanteng nakatuluyan ang dati niyang guro, nagpakilig sa netizens

Love story ng estudyanteng nakatuluyan ang dati niyang guro, nagpakilig sa netizens

- Marami ang kinilig sa kwento ng isang contestant sa "Bawal ang judgmental" ng Eat Bulaga

- Halos di makapaniwala ang ilan na dating guro ng contestant ang kanyang pinakasalan

- Limang taon ang agwat ng kanilang edad at nilinaw naman nilang wala pa silang relasyon noong estudyante pa lamang ni misis ang mister nya noon

- Ayon sa netizens, bakas daw sa dalawa ang saya sa kanilang pagsasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpakilig sa mga dabarkads gayundin sa mga netizens ang kakaibang love story ng contestant ng "Bawal ang judgmental" ng Eat Bulaga noong February 12.

Halos di kasi sila makapaniwala na ang nakatuluyan ng dating estudyante ang kanyang guro noong high school.

Ayon sa contestant na si JP, 16 taong gulang siya noon at nasa 4th year high school nang tuksuhin siya sa noo'y 21 years old na si Teacher Arlene.

Madalas din kasi siyang utusan na kumuha ng chalk sa room ng guro at di nila inaasahang uusbong ang tuksuhang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nilinaw ni JP na nagtapos muna siya ng high school bago niligawan ang kanyang guro.

Alam kasi nilang mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon ng guro sa kanyang estudyante.

Nagbiro pa si JP na may basbas naman daw ng kanyang mga magulang ang maagang pakikipagrelasyon sa guro dahil makakatulong daw ito sa kanya sa kanyang pagtuntong sa kolehiyo.

At ngayong sila'y kasal na, pinatunayan nilang walang pinipiling edad o estado ang tunay na nag-iibigan.

Kris Bernal had her makeup done by her fiancé Perry Choi in our exclusive feature with the Kapuso star!

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel