Raffy Tulfo, ipapatigil ang kasal na pinangako dahil sa paglabas ng kabit

Raffy Tulfo, ipapatigil ang kasal na pinangako dahil sa paglabas ng kabit

- Babawiin daw ni Raffy Tulfo ang ipinangakong kasal sa mag-live-in partner na isa sa mga natulungan niya sa kanyang programa

- Ito ay matapos lumutang ng number two ng lalaki na ibinuking pa ang kalokohan umano nito

- Depensa pa nito, matagal na umano siyang nakikipaghiwalay sa lalaki ngunit tinatakot umano siya ng lalaki

- Bukod dito, sinabi rin nito na nagpakilala ang lalaki sa kanya noon bilang single kaya niya ito pinatulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Handa raw bawiin ni Raffy Tulfo ang ipinangakong kasal sa live-in partners na isa sa kanyang mga natulungan sa kanyang programa.

Ito ay matapos lumantad ng number two ng lalaki na si Cathy Manlingas at ibinuking pa ang kalokohan umano ng lalaki.

Una nang naiulat ng KAMI, nang mauwi sa kasal ang reklamo ng Taal victim na si Venus Amigo sa kanyang kinakasama na si Romiel Gonzales.

Nangako pa si idok Raffy na tatayong ninong sa dalawa at sagot pa nito ang lahat ng gastos sa kasal ng mga ito.

Ngunit tila mababago pa ang desisyon ni Tulfo matapos sabihin ni Manlingas na matagal na siyang nakikipaghiwalay kay Gonzales.

Pero tinatakot umano siya ng lalaki at pinagbabantaang ikakalat ang kanilang mga private videos.

Maging ang pagpopost ni Amigo ng kanyang larawan sa social media ay inireklamo rin niya laban sa dalawa.

Depensa pa nito sa mga paratang ni Amigo, hindi niya alam na nagsasama pa ang dalawa noong pinatulan niya ang lalaki, bagamat alam niyang may mga anak na ito.

Nauna nang naiulat ng KAMI, nang magbangayan on-air sina Amigo at Manlingas matapos idulog ng una ang reklamo laban sa pananakit ni Gonzales.

Dito, sinabi ni Manlingas na matagal na umanong hiwalay ang dalawa at alam daw ni Amigo ang tungkol sa kanilang relasyon.

Sa huli, hiniling ni Manlingas na makaharap ang dalawa sa programa ni idol Raffy upang magkaliwanagan umano sila at para makatiyak na hindi kumalat ang kanilang mga video ni Gonzales.

Samantala, sabi naman ni idol, hindi niya itutuloy ang naipangakong kasal kapag napatunayang tinakot nga ni Gonzales si Manlingas na ipapakalat ang kanilang mga video at kung totoong pinigilan nito ang pakikipaghiwalay ng babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel