Sapul sa video: Davao del Sur, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol
- Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Davao del Sur ngayong hapon, Disyembre 15
- Naramdaman din ito ng mga karatig na lugar ang mapaminsalang pagyanig
- Ilang netizens ang nagbahagi ng mga video ng aktwal na kaganapan habang lumilindol
- Naantala rin ang ilang mga Christmas party na nagaganap sa lugar sa lakas ng paggalaw na naganap
- Ilang gusali pa ang nasira habang may isang power transformer sa isang mall roon ang sumabog sa lakas ng lindol
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na namang mapaminsalang lindol ang yumanig sa Davao del Sur ngayong hapon, Disyembre 15.
Ayon sa ABS-CBN, magnitude 6.9 na pagyanig ang nadama sa nasabing lugar na naging dahilan ng ilang pagkasira ng mga gusali.
Sinundan pa ito ng magnitude 5.2 na pagyanig bandang 3:09 p.m na nadama sa bayan ng Matanao ayon sa Phivolcs.
Samantala, intensity II na pagyanig naman ang naganap sa Gingoog City, Misamis Oriental at naitala naman ang intensity I na pagyanig sa Cagayan de Oro City.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa lakas ng lindol, naantala ang ilang Christmas party na nagaganap sa lugar. Ang ilan ay napalabas talaga ng mga gusali sa takot na baka gumuho ito.
Isang mall pa ang nasabugan ng power transformer sa tindi ng lindol dahilan upang magulantang ang mga mallgoers doon.
Marami ang nalungkot sa nangyari dahil sa nalalapit na ang kapaskuhan ngunit naganap pa ang ganitong sakuna.
Wala pang naiulat na nasaktan sa nangyari.
Matatandaang nito lamang Oktubre ay nakaranas ng tatlong malalakas na lindol ang rehiyon, kung saan 23 ang naitalang pumanaw at nasugatan.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh